Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-38 2012

(GMT+08:00) 2012-10-08 17:52:59       CRI

September 30, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh...

TAWA NA

May 8 araw na bakasyon ang mga Chinese dito sa Mainland. Ngayong araw, ipinagdiriwang nila ang kanilang Mid-Autumn Festival, at bukas naman, ipagdiriwang nila ang kanilang National Day.

Kaugnay ng nabanggit na dalawang okasyon, maraming tagapakinig ang nagpadala ng kanilang mensaheng pambati. Maraming-maraming salamat sa inyo at happy Mid-Autumn Festival at National Day din sa lahat ng mga kaibigang Chinese riyan sa Pinas.

Bigyang-daan natin ang e-mail ni Kristen Almasan ng Pasay City. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Chinese Mooncake

Happy Mooncake Festival at National Day sa Serbisyo Filipino at sa lahat ng mga kaibigang Chinese diyan sa Beijing.

Thanks sa Birthday gift. Tuwang-tuwa ako sa totoo lang. Type na type ko talaga ang wall blanket at paborito ko pang kulay ang pinili mo—green. Thanks uli, Kuya.

Makakapagpadala na uli ako ng reception report dahil nagawa na ang transistor radio ko. May sentimental value ang radio na ito sa akin dahil ibinigay ninyo ito sa akin noong 2004. Hindi ito digital radio pero very powerful. Makakapakinig na uli ako tuwing 7:30 ng gabi.

Ina-appreciate ko ang pagdaraos ng China ng CAEXPO taun-taon. Malaking pagkakataon ang ibinibigay nito sa mga bansang kabilang sa ASEAN

para mai-promote ang kanilang mga produkto. Sana nakapag-uwi ng bacon ang business delegation natin sa 9th CAEXPO.

Matapos na sana, Kuya, iyong hidwaan ng China at Pinas at China at Japan sa isyung pangteritoryo. Marami na tayong kaguluhan sa mundo. Huwag na nating dagdagan pa.

Sabihin mo lang, Kuya, kung may maitutulong ako sa inyong mga programa.

Hanggang dito na lang muna sa ngayon...

Kristen Almasan
Malibay, Pasay City
Metro Manila
Philippines

Maraming-maraming salamat, Kristen, sa sulat, sa mensaheng pambati at sa patuloy na pagtataguyod mo sa aming mga programa. Basta ipagpatuloy mo lang ang pakikinig at pagsulat sa amin, masaya na kami. Iyon ang pinakamalaking tulong na magagawa mo para sa amin at the moment. Maraming salamat uli, Kristen and God bless you.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

THAT YEAR
(XU WEI)

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Xu Wei sa awiting "That Year," na lifted sa album na may katulad na pamagat.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Danilo Sy ng DLSU Dasmarinas. Sabi ng kanyang liham:

Hi, Kuya RJ!

Gusto ko lang ipaabot ang greeting ko para sa pagdiriwang ninyo ng

Mid-Autumn Festival at National Day. Patuloy akong umaasa na magbabalik na sa normal ang relasyon natin sa China. Hindi matatahimik ang buong region ng Asia hangga't hindi natatapos ang pag-iiringan ng Pilipinas at China dahil lamang sa issue ng teritoryo.

Mao Zedong

Deng Xiaoping

Gusto ko ring ipaabot ang aking papuri sa mga dating-lider ng China na sina Mao Zedong at Deng Xiaoping. Kung ano ang China ngayon ay utang sa mga pagsisikap ng dalawang lider na ito. Hindi dapat mawala ang kanilang mga alaala sa pagdiriwang ng China ng Pambansang Araw.

Umasa kayo na patuloy kong susubaybayan ang inyong mga programa.

Mabuhay ang CRI Serbisyo Filipino.

Danilo Sy
De La Salle University
Dasmarinas, Cavite
Philippines

Salamat sa e-mail mo, Danny. Maikli lang ang sulat mo pero very sensible. Natutuwa ako dahil dumarami ang mga tagapakinig namin diyan sa Dasmarinas, Cavite. Salamat sa inyong suporta at kumusta na lang sa lahat ng mga kaibigan diyan sa DSLU Dasma.

Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

MIRAGE
(F. I. R.)

F. I. R. at ang isa sa mga pinasikat nilang awiting "Mirage." Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Unlimited."

Tunghayan naman natin ang mga SMS.

Sabi ni Min ng Sta. Ana, Manila: "Happy Mid-Autumn and National days, Kuya Ramon! Mabuhay ang CRI Filipino Service at ang programang Gabi ng Musika!"

Sabi naman ni Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch, "Happy National Day at Happy Mid-Autumn Festival na rin, Kuya RJ! Enjoy your holidays. You deserve a few days of rest."

Sabi naman ni Mulong ng romulo_demesa@yahoo.com, "Maligayang Pambansang Araw, Ka Ramon! Sana matuldukan na ang issue ng Huangyan Island para matahimik na ang lugar na iyon at tayo rin."

Sabi naman ng San Andres Boys, "Ipinaaabot namin ang bating pang-Mooncake Festival at pang-National Day sa lahat ng mga kaibigang Chinese. Tayo ay nabibilang sa iisang pamilya!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>