![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
October 28, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh...
Happy Halloween to All!
May mga natanggap akong Halloween greetings. Popular pa ba riyan sa atin ang Halloween? I mean, marami pa bang nagsusuot ng costume at nagpa-party-party kung bisperas ng All Saints' Day? Dito, hindi naman talagang popular pero may mga nag-o-organize rin ng party lalo na sa mga bar at star hotel. Anyway, salamat sa lahat ng mga nagpadala ng greetings, lalo na sa mga taga-Benguet, Pangasinan at Zambales.
Kung nakikinig si Manuela ng Bel-Air, Makati, iyong request mong paper-cuts at wall carpet ay naipadala na namin. Paki-abang na lang, ha? Malapit nang dumating iyon. Blue and green iyong kulay ng wall carpet.
At kay Grace ng Molino, Bacoor, Cavite, naipadala na rin namin iyong request mong digital short-wave radio. Masayang pakikinig sa iyo, Grace. Malakas iyang model na iyan, ha?
REFLECTION
(CHRISTINA AGUILERA)
Iyan si Christina Aguilera sa kaniyang awiting "Reflection," na lifted sa album na pinamagatang "Nobody Wants To Be Lonely."
Ang awiting iyan ay request ni Amelia Cataro ng New Territories, Hong Kong. Mamaya, babasahin ko ang buong liham niya.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ...
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Amelia Cataro ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kaniyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
Medyo lumalamig ang issue ng Huangyan Island pero umiinit naman ang sa Diaoyu Island. Dapat, kung paano tayo nagdasal noong kainitan ng Huangyan Island ganoon din sa Diaoyu. Apektado rin nito ang buong region natin, eh.
Mo Yan--Kauna-unahang Chinese na Nakatanggap ng Nobel Prize in Literature
Binabati ko iyong kauna-unahang Chinese na nagwagi ng Nobel Prize in Literature. Siguradong magaganda ang mga sinusulat niyang libro kaya siya nabigyan ng award. Hindi madaling magwagi ng ganitong award.
Sana mapatugtog mo ang favorite song kong "Reflection" sa next episode ng Gabi ng Musika.
Salamat sa e-mail, Amelia. Tama, dapat dagdagan natin ang ating pagdarasal para matapos na ang mga issue ng Huangyan at Diaoyu islands. Wala talagang tatalo sa power of prayer. Oh, wala na akong utang sa iyo, ha? Napatugtog ko na ang favorite song mo...
Ngayon, dumako naman tayo sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
MISS YOU SO MUCH
(ZHOU BICHANG)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Zhou Bichang, sa awiting "Miss You So Much." Ang track na iyan ay hango sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."
Tunghayan naman natin ang mga SMS.
Sabi ng 921 654 3344: "Happy Halloween, Kuya Ramon! Ano ba gimik ninyo riyan kung Halloween? Meron din ba kayong costume party?
Sabi naman ng 918 730 5080: "Hi, Kuya Ramon! Natanggap ko na sagot mo sa sulat ko. Salamat sa advice. Talagang mahirap magdesisyon kung wala kang mahingan ng payo."
Sabi naman ng 928 113 1498: "Malapit na ang Undas, Kuya Ramon. Paano ninyo pinalilipas ang Undas diyan sa Beijing? Siguro alam mo na na ang pangunahing problema dito sa atin ay mahal ang kandila at bulaklak."
Sabi naman ng 919 426 7176: "Anong nangyari, Kuya Ramon? Nawala ang inyong Tawa Na at Balitang Artista sa October 21st Gabi ng Musika. Masaya ang mga segment na ito, eh."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |