Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-42 2012

(GMT+08:00) 2012-11-07 16:40:42       CRI

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

"Life is not about waiting for the storm to pass; it is about learning how to dance in the rain."

Ang anonymous quotation na iyan ay padala ni Poska ng poskadot610@hotmail.com. Salamat, Poska.

Kayo man ay welcome na magpadala ng quotation na may hatid na lesson sa buhay. Ipadala lamang ninyo ito sa pamamagitan ng SMS o e-mail.

Meron tayong ilang piling mensahe...

Happy Halloween (Halloween costume na may katangiang Tsino)

Sabi ni Angel Hilario ng Sta. Catalina College Manila: "Hi Sir Ramon! Halloween is not too important to me, pero it is a good excuse to reach out to you and your Filipino Service. Hope everybody is doing okay."

Kampo Santo (Maraming Tao sa Kampo Santo noong November 1)

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Huwag nating hayaang mawala ang tunay na diwa ng Todos Los Santos sa pagpunta natin sa Kampo Santo. Samahan natin ng dasal ang mga sinisindihan nating kandila para sa ating mga mahal na yumao."

Sabi naman ni Aubrey ng Oroquieta, Sta. Cruz, Manila: "Sino si Loving DJ sa akin? Siya ang tenga ng mga ayaw pakinggan; kaibigan ng mga nilalayuan at iniiwasan; respirator ng mga mabibigat ang dibdib; at anghel na hulog ng langit."

Maraming salamat sa inyo, Angel, Merry Jeanne at Aubrey.

JUST WHEN I NEEDED YOU
(JOY ENRIQUEZ)

Narinig ninyo si Joy Enriquez sa kanyang awiting "Just When I Needed You," na lifted sa album na pangalan niya ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Grace Fajardo ng Soler, Sta. Cruz, Manila. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Tulad ng nakagawian, maraming tao ang nagpunta sa Kampo Santo noong November 1st. Taun-taon, nadaragdagan din ang mga taong bumibisita sa mga puntod ng mga namatay nilang kamag-anak at kaibigan. Para makaiwas sa dami ng tao, iyong mga iba ay nagpupunta sa Kampo Santo one day before o one day after. Practical nga naman iyon.

Hindi ako pabor sa ginagawa ng iba na pagpipiknik sa Kampo Santo kung Araw ng mga Patay. Parang nawawala ang tunay na diwa ng All Saints' Day.

Sana nagkaroon ka ng chance na alalahanin ang iyong mga yumao kahit man lang sa iyong mga dasal.

Salamat sa e-mail, Grace. Maski ako ay hindi sang-ayon sa pag-iinuman, pagkakantahan at pagsasayawan sa sementeryo. Pero, kung talagang hindi nila maiiwasan iyon, mag-offer muna sana sila ng prayer bago sila magsaya, at gawin nila uli iyon bago sila umalis. Iyon ay kung talagang hindi nila maiiwasan ang pagsasaya. Salamat din sa paalala. Talagang lagi kong ipinagdarasal ang mga yumao, kamag-anak man o hindi. Lagi silang kasama sa aking regular na panalangin. God bless you, Grace...

Ngayon, punta naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok...

Salamat, Super DJ!

MU DAN RIVER
(NAN QUAN MAMA)

Nan Quan Mama at ang awiting Mu Dan River na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Tingnan naman natin ang sinasabi ng ating textmates...

Sabi ng 919 426 7176: "Hi, Kuya Ramon! Di ako nakapagpadala ng bating pang-Halloween. Meron ba kayong celebration? Paano ang inyong All Saints' Day?"

Sabi naman ng 917 351 9951: "All Saints' Day man o hindi, dapat ipagdasal natin ang ating mga yumao. Sa tingin ko, mas makakatulong sa kanila ang ating regular na pagdarasal."

Sabi naman ng 918 315 9947: "Sana nagkaroon ka ng pagkakataon na magtirik ng kandila at magdasal para sa mga yumao mong kamag-anakan kahit wala ka rito sa Pilipinas."

Sabi naman ng 919 651 1659: "As we pray for our dearly departed, let's also remember the typhoon victims in America. Together, let's pray for them."

Maraming-maraming salamat sa mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>