|
||||||||
|
||
December 2, 2012 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
"Poetry is the mother tongue of the human race."--Johann Georg Hamann
Salamat kay May Anne Sy ng Malolos, Bulacan. Siya ang maypadala ng quotation na iyan.
Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe...
Sabi ng 910 619 8402: "Gandang umaga... Ang lahat ng voice na naririnig ko sa SW ay walang panama sayo. Hitsura lang nila. Wala silang K. Ikaw merong K. Isang bati naman jan sa b-day ko."--Sabay kambiyo, ha?
Sabi naman ng 915 807 5559: "Mahal ka naming lahat. Sabihin mo lang kung ano pa ang gusto mong gawin namin bukod sa pakikinig. Nandito kaming lagi para sa iyo."
Sabi naman ng 928 415 6462: "Love is sweet lalo na doon sa mga diabetic. Calling all broken-hearted people. Magpa-by-pass operation kayo."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Ang CRI Filipino Service ay hindi lang isang serbisyong pang-radyo. Ito ay serbisyo rin na pang-kawanggawa at malakas na kinatawan ng mga Pinoy sa katipunan ng mga serbisyong pang-SW sa buong mundo."
Maraming-maraming salamat sa inyo. Pinataba ninyo ang puso ko ngayong araw.
SUPERSTAR
(CARPENTERS)
Narinig ninyo ang Carpenters sa kanilang awiting "Superstar." Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Carpenters' Greatest Hits." Ang awiting iyan ay request ng mga kaibigan nating nurse sa Bataan General Hospital. Kumusta kayo riyan?
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan natin ang e-mail ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila. Sabi ng kanyang sulat:
Hi, Kuya Ramon!
Stevie Wonder
Salamat sa pagpapatugtog mo sa kantang "Never Dreamed You'd Leave in Summer." Ang talagang paborito ko ay iyong version ni Stevie Wonder, pero maganda rin naman pala ang version ni Joan Baez. Memories, memories, hehehe...
Napakinggan ko interview ninyo sa acting Philippine Ambassador na si Alex Chua. Maganda mga sinabi niya. Sana magkaroon kayo ng mga programang maglalapit sa mga Chinese at Pilipino para naman magbalik ang init ng samahan natin.
Tess Tombocon
Sta. Mesa, Manila
Philippines
Salamat sa e-mail, Tess. Iyong version ni Stevie Wonder ang talagang gusto kong patugtugin, kaya lang wala akong makitang kopya sa file namin. Mabuti naman at nagustuhan mo iyong version ni Joan Baez. Maganda rin naman, di ba?
Gusto ko talagang magkaroon tayo ng activities na mag-i-involve sa mga Chinese at Pilipino. Hangad ko rin na magbalik ang dating ganda ng relation natin sa mga Chinese. Thank you uli, Tess at God bless you.
Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
FAIRY TALE
(GUANG LIANG)
Guang Liang, sa awiting "Fairy Tale,' na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."
Bigyang-daan natin ang mga mensahe ng ilang textmates...
Advance Merry Christmas mula sa mga Tagapakinig
Sabi ng 928 654 5211: "Basta, as for me, ang Christmas ay pakikinig sa Gabi ng Musika every Sunday at pag-e-enjoy sa voice ng aming loving DJ."
Sabi naman ng 917 554 4110: "Hi, Kuyang! Nagtutunggaan kami parang dry-run ng Bisperas ng Christmas. Ini-imagine na lang namin na kasama ka namin sa grupo."
Sabi naman ng 919 435 7021: "Kumusta na, Kuyang? Maganda iyong paalala mong "Ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik." Problem is ganoon ba karami ang gumagawa ng kabutihan? Maraming kapalpakan, eh!"
Sabi naman ng 921 944 2233: "Peace be with you, Kuya Ramon!" Miss na namin newscasting voice mo. Kelan ka babalik sa piling namin kung weekends?"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS...
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |