Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-45 2012

(GMT+08:00) 2012-12-24 18:44:43       CRI

December 16, 2012 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

"Those who are well have no need of a physician, but those who are sick. I did not come to call the righteous, but sinners to repentance."--Mark 2: Verse 17

Salamat at maligayang Pasko kay Vivian ng Bacolod City. Siya ang nagpadala ng Biblical quotation na iyan.

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 921 342 5539: "Ang buhay hindi ko alam ang kabuluhan kung saan patungo at kung saan ang hangganan. Sana mawala man ang number ko sa cellphone mo, manatili pa rin sa memory mo ang mga alaala ng bawat mensahe ko."

Sabi naman ng 919 302 3333: "Utang ko sa Gabi ng Musika ang matamis na alaala ng kahapon. Ang luha ko ngayon ay luha ng kagalakan, hindi tulad ng nakaraan na luha ng kalungkutan. Maligayang Pasko sa Gabi ng Musika at Serbisyo Filipino."

Sabi naman ng 906 201 1704: "Sabi nila 'Love is blind.' I have fallen in love with your programs. Okay lang kung bulag ako. Tenga naman ang ginagamit ko sa pakikinig sa inyo."

Maraming-maraming salamat at maligayang Pasko sa inyong lahat.

MERRY CHRISTMAS DARLING
(ROWENA ONA)

Iyan si Rowena Ona ng Bicol Region sa kanyang sariling version ng pamaskong awiting "Merry Christmas Darling," na pinasikat ng Carpenters.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr.. ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Jenny Sunga ng Malaybalay, Bukidnon. Sabi ng kanyang liham: "Dear Kuya Ramon, Christmas season na. Naalala ko na Christmas season noong unang makinig ako sa pagsasahimpapawid ng Serbisyo Filipino. Panahon din ng Pasko noong unang magpunta ako sa China at mabisita ang Forbidden City, Temple of Heaven at iba pang tourist spots sa Beijing. Ano naman kayang special event ang magaganap ngayong Kapaskuhan? Paano ang Simbang Gabi ninyo riyan sa Beijing? Tulad din ba ng sa atin?

Parol, symbol ng Paskong Pilipino

Para sa akin, ang Pasko ay isang Happy celebration dahil ang ating Lord and Savior ay sumilang na. Bilang paghahanda sa pagdating ng Pasko, tayo ay naglalagay ng mga Christmas décor at ang paborito kong Christmas symbol ay ang parol. Naniniwala ako na ang parol ay symbol ng Paskong Pilipino. Merry Christmas sa inyong lahat diyan, Kuya Ramon.

Maraming salamat at merry Christmas din sa iyo, Jenny. Totoo ang sabi mo. Ang Parol ay simbolo ng Paskong Pilipino kaya siguro dapat ay i-promote ito. Bihira na kasi ang nagsasabit nito kung panahon ng Pasko, eh.

Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

WE DON'T HAVE TO BREAK UP
(THE FLOWER BAND)

"We Don't Have to Break Up," inihatid sa ating masayang pakikinig ng the Flower Band. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ng 917 500 6641: "Hi, Kuya Ramon! Maraming naghahanap at nagtatanong sa iyo. Magparamdam ka naman daw. Makakasama ka ba namin sa Pasko sa air? Please reply!"

Sabi naman ng 928 610 1358: "Masayang bating pang-Pasko sa iyo at sa buong Serbisyo Filipino ng CRI. Ano ba ang pinaplano ninyo para sa Notsebuwena? May pagkakataon ba kayong makinig sa Midnight Mass?"

Sabi naman ng 910 291 2776: "Sa totoo lang, hinahanap-hanap namin ang voice mo sa inyong regular na News and Current Affairs, kasi dati halos araw-araw naririnig ka namin. Ngayon, kung Sunda na lang at madalas pang replay. Sana, mahatdan mo kami ng mga awiting pamasko sa mga susunod mong programa."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS. Merry Christmas sa inyo...

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Merry Christmas and God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>