Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-46 2012

(GMT+08:00) 2013-01-07 14:28:55       CRI

December 23, 2012 (Sunday)

From Kuya Ramon with Love, Maligayang Pasko

Magandang gabi at maligayang Pasko sa inyong lahat. Dalawang tulog na lang Pasko na. Handa na ba kayong humarap sa inyong mga inaanak? Walang taguan, ha?

"Experience is the best schoolmaster, only the school fees are heavy."--Anonymous

Salamat kay Charles Martin ng Antipolo, Rizal. Siya ang nagpadala ng anonymous quotation na iyan.

Salamat din sa lahat ng regular texters at e-mail senders. Wala akong masabi sa inyo. Talagang kayong lahat ay super. Walang katapusan ang pasasalamat ko sa inyo. God bless you all...

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ng 917 864 2296: "Ang iyong Gabi ng Musika ay hindi lang gabi ng jazz at gabi ng love songs kundi gabi rin ng pag-ibig--pag-big ng announcer sa tagapakinig at vice versa."

Sabi naman ng 917 824 7722: "Talagang madaling ma-miss ang boses ni Kuya Ramon Jr. Ilang araw lang na hindi mo marinig hinahanap-hanap mo na. Ano pa kaya kung ilang buwan."

Sabi naman ng 921 597 8765: "There is too much trouble in the world, but love can solve it all. Let's hope and pray that love may reign in everyone's heart."

Sabi naman ng 906 201 1709: "Calling, calling! Naghahanap ako ng textmate. Mabait na binata, magandang lalaki at maraming load."

Maraming load? Seryoso ka ba? Ha-ha-ha

Maraming salamat at merry Christmas sa inyo...

PLEASE COME HOME FOR CHRISTMAS
(THE HURRICANE BAND)

Narinig ninyo ang Hurricane Band sa awiting "Please Come Home for Christmas." Ang Hurricane ay dating regular performer sa Hard Rock Café Beijing.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Bessy Pinto ng Orani, Bataan. Sabi ng kanyang sulat:

Hi, Kuya RJ!

Merry Christmas and Happy New Year sa CRI Filipino Service. Sana okay kayong lahat diyan at sana maalwan ang takbo ng inyong pang-araw-araw na gawain.

Gusto ko lang ibahagi sa lahat ng mga tagapakinig ng inyong programa kung ano ang Pasko para sa akin.

Para sa akin, ang Pasko ay araw hindi lamang ng pagsasaya kundi araw din ng pasasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap natin. Dapat tayong magdasal bilang pasasalamat sa lahat ng mga biyayang ito. Kung magsasaya man tayo, dapat ang nasa-isip natin ay ang Panginoon. Kaarawan niya ang Pasko at siya ang dapat maging sentro ng ating selebrasyon.

Ito ay sarili ko lang opinion at iginagalang ko rin ang opinion ng iba.

Masayang bati uli sa Serbisyo Filipino.

Bessy Pinto
Orani, Bataan
Philippines

Maraming salamat at Merry Christmas sa iyo, Bessy. Maganda ang pakahulugan mo sa araw ng Pasko. Sama ako riyan.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

WHITE CHRISTMAS
(DESTINY'S CHILD)

Iyan naman ang Destiny's Child sa awiting "White Christmas," na lifted sa album na may pamagat na "Destiny's Child 8 Days of Christmas."

Tunghayan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ng 0049 242 188 210: "Kumusta trabaho natin diyan, Ramon? Matagal ka naming hindi narinig. Sana okay naman kayong lahat diyan sa Serbisyo Filipino. Maligayang Pasko sa inyo!"

Sabi naman ng 0041 792 844 823: "Season's greetings, Kuya Ramon. Sana magkaroon ka naman ng chance na ma-enjoy ang makulay at masayang Kapaskuhan. Wala ka bang balak na umuwi sa atin sa Pinas? Dalawin mo naman ang mga nagki-care sa iyo."

Sabi naman ng 0086 138 114 096 30: "Merry Christmas sa Gabi ng Musika at kay loving DJ. Sana makaroling mo naman kami sa popular mong programang Gabi ng Musika. Sa pakikinig namin sa Gabi ng Musika, pakiramdam namin ay parang puno kami ng pag-asa."

Sabi naman ng 0086 134 261 278 80: "A joyous Christmas to Gabi ng Musia and to loving DJ. Hope you enjoy the holidays. This season is a season of joy, love and peace."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Merry Christmas and God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>