|
||||||||
|
||
January 20, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Ang Pag-ibig Ay...
Love is composed of a single soul inhabiting two bodies."--Brainy
Salamat kay Rachelle Truitt ng Germany. Siya ang nagpadala ng quotation na iyan.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Relasyong Sino-Filipino
Sabi ng 919 642 8830: "Sa tingin ko, malaki ang role mo sa pagtutulak ng relation ng Philippines at China. Ang mga program mo ay naglalapit nang naglalapit sa amin ng mga Chinese. Unti-unti naming natututuhan ang kanilang kasaysayan at kultura at unti-unti ring nagugustuhan ang Chinese food and music."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Kung nagiging popular man ang CRI sa buong mundo, ito ay dahil sa efforts ng mga language service nito na tulad ng Filipino Service. Nasaan ang plaque of appreciation ng Filipino Service?"
Sabi naman ng 910 826 0152: "Natuto na akong makinig sa Chinese pop music. Kahit hindi ko naiintindihan ang lyrics, enjoy ako sa melody. Iyon pala ang secret: Pag paulit-ulit mong pinakikinggan, talagang iyong kagigiliwan. Sana masabi mo sa amin kung ano ang mensahe ng bawat awitin na pinatutugtog mo para lalo naming ma-appreciate."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe. God bless...
JUST A SMILE
(BARBIE ALMABIS)
Narinig ninyo si Barbie Almabis sa kanyang awiting "Just a Smile," na lifted sa album na pinamagatang "Pinoy Play File."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Jenny Pinggol ng R. R. Landon Extension, Cebu City.
Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
Kahit maaga pa ay binabati ko na kayo ng Happy Year of the Water Snake. Salamat sa agarang pagsagot mo sa mga SMS at e-mail ko. Sinunod ko na mga suggestion mo and I found them very effective. Sana, ngayong 2013, magkaroon naman ng positive changes dito sa atin: mabawasan ang karahasan, magmura ang presyo ng pagkain sa palengke, bumaba ang singil sa koryente, dumami ang trabaho, magmura ang tuition fees at matutong tumawag sa Diyos ang mga tao.
Naniniwala ako na lalaki pa ang following ng Serbisyo Filipino ngayong taon.
Jenny Pinggol
R. R. Landon Extension
Cebu City, Cebu
Philippines
Salamat sa e-mail, Jenny. Huwag kang mag-alala. Just think positive and have faith in God at ang lahat ng wishes mo ay magkakatotoo. God bless you…
Ngayon, sa puntong ito, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
LOOKING SIDEWAYS
(EASON CHAN)
Narinig ninyo si Eason Chan sa kanyang awiting "Looking Sideways," na lifted sa album na may pamagat na "Digital Life."
Tunghayan natin ang ilang text messages.
Sabi ng 917 401 3194: "Tama ang sabi nila. Hindi pa kaagad mawawala ang pag-a-abroad ng mga Pinoy. Iyan kaya ang bumubuhay ng ekonomiya natin sa ngayon."
Sabi naman ng 921 342 5539: "Naniniwala ako sa power ng dasal. Sama-sama tayong manalangin para sa ikatatahimik ng mundo—lalo na ng pinakamagulong parte ng mundo."
Sabi naman ng 910 149 9650: "Kuya Ramon, kumusta na kayo diyan sa Filipino Service. Gusto ko lang papurihan ang inyong serbisyo sa paghahatid nito ng mga sariwang balita mula sa China araw-araw. Lagi akong nakatutok sa inyong mga programa."
Sabi naman ng 917 483 2281: "Mabuhay ang Serbisyo Filipino! Tunay kayong no. 1 sa puso ng inyong mga tagapakinig. Kasama ako sa libu-libo ninyong tagasubaybay."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |