Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-6 2013

(GMT+08:00) 2013-02-27 18:29:43       CRI

February 10, 2013 (Sunday)

Chunjie Hao from Beijing

Magandang gabi at Chunjie hao, masaganang Spring Festival, sa inyong lahat!

Paano ba ang celebration ng Chinese New Year diyan sa atin? Balitaan niyo naman kami rito.

New Year Greetings mula sa mga Tagapakinig

In the spirit of Chinese Lunar New Year, gusto kong pasalamatan ang lahat ng walang-sawang nagtataguyod ng aming mga programa, lalung-lalo na ang mga sumusunod: Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan; KC Orioste ng Lumban, Laguna; Emmy Panajon ng Florante, Pandacan, Manila; Plum Regalado ng University of Santo Tomas; Chat Fajardo ng Punta, Sta. Ana; Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan; Pat Cusi ng Atimonan, Quezon; at Kate Ventura ng Paco, Manila.

Salamat din kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng manny_feria@yahoo.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; at Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch.

ANCIENT MELODY OF EARLY SPRING
(PIPA SOLO)

Narinig ninyo ang tugtuging "Ancient Melody of Early Spring, na tinugtog sa pipa. Iyan ay isa sa mga koleksiyon ng tradisyonal na musikang Tsino ng China Radio International.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang snail mail ni Vivienne Guevarra ng Cebu City. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya Ramon,

Alam ko na kung matanggap mo ang letter na 'to tapos na ang birthday mo, pero I wish you had a wonderful birthday at ikinu-convey ko rin ang New Year wish kong kasaganaan at kapayapaan sa lahat ng mga kaibigan diyan sa Beijing.

Kumusta ang trabaho? Kami rito okey naman kaya lang kailangan ang dobleng trabaho para mabili ang talagang gusto mo. Mahal lahat, eh.

Thank you sa payong na isinusuot sa ulo. Kasyang-kasya sa akin. Paano mo nahulaan ang sukat ng ulo ko? Tama ang sabi mo. Pag sumali kami sa inyong mga pa-contest, wala kaming talo.

By this time siguro malaki na ang progress ng health mo. Iyan ang pinakamahalaga sa lahat, dahil kahit na anong sipag mo kung hindi naman maganda ang health condition mo wala ka ring magagawang maganda.

Buhay pa iyong transistor radio na ibinigay mo sa akin five years ago. Doon nga ako nakikinig sa inyo. Hindi ko kinakalimutan ang pagsasahimpapawid ng Serbisyo Filipino tuwing 7:30 ng gabi.

Gusto ko sanang magpadala sa iyo ng gift para sa birthday mo pero hindi ko alam kung ano ang gusto mo.

Take care and regards sa lahat.

Vivienne Guevarra
R. R. Landon Extension
Cebu City, Philippines

Salamat, Vivienne. Hindi na kailangan ang gift. Iyong bati mo lang e sobra-sobra na para sa akin. Please keep in touch. Happy New Year and God bless.

Bating pang-Spring Festival mula kay Super DJ Happy

Sa puntong into, bigyang-daan naman natin ang bating pang-Chinese New Year ni Super DJ Happy.

Salamat, Super DJ...

SONG OF JOY
(CHINESE BAMBOO AND SILK MUSIC)

Narinig ninyo ang tugtuging "Song of Joy," na tinatawag na Chinese and Silk music. Ang track na iyan ay isa sa mga koleksiyong tradisyonal na musikang Tsino ng China Radio International.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Maligayang bati sa Year of the Snake. Malaking tulong ang snake sa mga magsasaka natin. Ito ang pumapatay sa mga dagang-bukid na naninira ng mga pananim."

Sabi naman ni Annie Tanchico ng IBM Peralta Quiapo: "Happy Spring Festival, Kuya Ramon and everybody! Ang bating ito ay sa ngalan ng IBM Peralta Quiapo."

Sabi naman ni Rosell Lim ng West Coast Way, Singapore: "Happy, happy Chinese New Year 2013 to all the staff of CRI Filipino Service. May you have more good programmings to come! Hi to Kuya RJ!"

Sabi naman ni May Anne Fortuno ng Beijing German School: "Happy New Year and lots of love from Beijing German School."

Sabi naman ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Happy New Year sa pinakamamahal naming DJ. Hope you stay healthy and strong for all the years to come."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Ito muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>