|
||||||||
|
||
February 24, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Count Your Blessings...
Para sa ating quotation sa araw na ito, "Count your blessing instead of crosses / Count your gains instead of losses / Count your joys instead of woes / Count your smiles instead of tears / Count your courage instead of fears / Count your full years instead of leans / Count your full deeds instead of wealth / Count your God instead of yourself."--Anonymous
Ang nagpadala ng quotation na iyan ay si Jinky ng Molino, Bacoor, Cavite. Thank you so much, Jinky.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe...
Sabi ni Rubie ng San Sebastian College Manila: "Dapat pakialaman na mismo ni Pnoy ang issue ng pagpasok sa Malaysia ng mga followers ng Datu sa Mindanao. Pag nagkataon, malalagay tayo sa malaking kahihiyan."
Sabi naman ni Brenda ng Puerto Princesa, Palawan: "Okay sana tayo dito sa Pinas, Kuya. Ang problema, ang mahal ng koryente, gasolina at mga pangunahing bilihin. Siguro, iyan ang dahilan kaya hindi natin maramdaman ang sinasabi nilang pag-unlad ng ating kabuhayan--kung talagang meron."
Sabi naman ni Candy ng Chaoyang District, Beijing: "Magkapit-kapit-kamay tayo sa pagdarasal para sa pagwawakas ng issue ng Soth China Sea. Maniwala tayo sa power of prayaer."
Maraming-maraming salamat sa inyo. God bless...
JUST WHEN I NEEDED YOU
(JOY ENRIQUEZ)
Narinig ninyo ang awiting "Just When I Needed You," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Joy Enriquez. Ang track na iyan ay lifted sa album na pangalan ng mang-aawit ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Charlotte de la Paz ng Lopez Sugar / Bacolod City, Negros Occidental. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Loving DJ
Kumusta na kayo? Long time no hear, ha?
Matagal lang akong hindi nakasulat sa inyo pero regular naman pakikinig ko sa inyong mga programa.
Ina-appreciate ko ang malasakit ninyo sa inyong mga tagapakinig at pinasasalamatan ko ang pagbibigay ninyo ng gabay sa mga tagapakinig na paminsan-minsan ay naliligaw ng landas at nakakalimot. Isa ako sa mga tagapakinig ninyo na nabigyan ninyo ng payo at nakinig. Ngayon, na-realize ko na tama kayo: no amount of success will compensate for failure in the family. Nag-quit ako sa trabaho ko overseas to save my family. It turned out to be a blessing. Masaya kami ngayon at maganda rin ang trabaho namin ng asawa ko. Salamat, Kuya Ramon, at sana mabiyayaan ka pa ng Poong Maykapal. Umasa kayo na lagi kong susubaybayan ang inyong mga programa.
Mabuhay ang Filipino Service ng CRI.
Charlotte de la Paz
Lopez Sugar
Bacolod City, Negros Occidental
Philippines
Thank you so much, Charlotte. Magandang balita iyong muling pagsasama-sama ninyo ng iyong pamilya. Sana manatiling mahigpit ang bonding ninyo ng iyong asawa at mga anak. God bless you.
Mukhang report na report na ang ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ.
LOVER
(DAO LANG)
Dao Lang at ang awiting "Lover," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
Tunghayan naman natin ang ilang text messages.
Let's Join Our Hands in Prayer for Peace...
Sabi ng 928 001 4204: "Pumasok na tayo sa Lenten season. Ito ay panahon ng abstention and fasting at panahon din ng pagdarasal at pag-aalay ng sakripisyo."
Sabi naman ng 915 807 5559: "Sana malutas kaagad ng Pilipinas at Malaysia ang issue ng pagpasok ng grupong armado sa Sabah. Hindi magandang timing ang action ng grupong armadong ito."
Sabi naman ng 910 114 1167: "Mas mabuti kung hindi na umabot sa International Court ang issue ng South China Sea. Mas lalo itong magiging masalimuot kung magiging international."
Sabi naman ng 917 500 6641: "Ipinaaabot ko ang bati ko sa Serbisyo Filipino sa pamamagitan ng programang Gabi ng Musika. Kayo ay malakas na morale booster sa aming mga tagapakinig."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |