Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-9 2013

(GMT+08:00) 2013-03-14 17:22:30       CRI

March 3, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Para sa ating Quote of the Day, "Let the people be the masters, not the slaves."--Anonymous.

Salamat kay Dorothy Pingol ng Gagalangin, Tondo, Manila. Siya ang nagpadala ng quotation na iyan.

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

National People's Congress in Session

Sabi ni Celesti Inigo ng Kowloon, Hong Kong: "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tumatakbo ang Chinese Congress, kaya nagpapasalamat ako sa mga impormasyong ipinagkakaloob ninyo hinggil dito."

Sabi naman ni Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong City, M. M., Philippines: "Dapat talagang magbago ng patakaran ang mga magiging bagong puno ng China. Mas complicated ngayon ang takbo ng panahon kaya mas malaki ang challenge na kanilang kinakaharap."

Sabi naman ni Elycia Tupaz ng Quirino Highway, Malate, Manila: "Ang achievement ng legislature ng isang bansa ay wala sa haba ng panahon ng session. Ito ay nasa dami ng naisasabatas na panukala."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

ORANGE-FLAVORED SODA WATER
(NAN QUAN MAMA)

Narinig ninyo ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Orange-flavored Soda Water, na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Pinky Ordones ng Bajac-Bajac, Olongapo City. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya RJ,

Greetings sa inyo!

Tulad ng iba ninyong tagapakinig, bumabati rin ako sa pagbubukas ng meeting ng National People's Congress.

Sa tingin ko, mas tututukan ng media sa buong mundo ang meeting na ito dahil dito opisyal na ipapabatid ang mga bagong lider ng China at siguro pati ang mga bagong patakaran ng mga lider na ito at ang political vision ng bagong Pangulo ng China.

Sana magkaroon ako ng pagkakataon na makalahok sa inyong mga pagtatalakayan hinggil dito sa inyong mga talk show.

Kasama ako sa mga tagapakinig na matamang susubaybay sa development ng meeting ng Congress na ito.

Parehong pinakikinggan ko ang inyong radio broadcast at webcast.

Maraming salamat sa pag-uukol ninyo ng panahon sa mga letters ko.

Good luck sa inyo.

Pinky Ordones
Bajac-Bajac, Olongapo City
Zambales
Philippines

Salamat sa iyong e-mail, Pinky. Welcome na welcome kayong lumahok sa aming mga talakayan at welcome rin sa amin ang inyong mga reaction sa aming mga programa. Keep on listening, Pinky. God bless you.

Ngayon, pakinggan naman natin ang ulat ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ.

BLUE WINDSTONE
(JAY CHOU)

Jay Chou at ang awiting "Blue Windstone," na buhat sa kanyang album na may pamagat na "November's Chopin 11."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilang texters hinggil sa sessions ng NPC at CPPCC.

Local at Foreign Media, Abalang-abala sa Kanilang Coverage ng NPC, CPPCC Sessions

Sabi ni Mato ng Kahilom 2, Pandacan, Manila: "Bumabati ako sa mga kaibigang Chinese sa pagbubukas ng kanilang National People's Congress. Konting konti lang ang alam ko hinggil sa Chinese Congress kaya interesado akong makarinig ng mga balita hinggil dito."

Sabi naman ni Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore: "Mabuhay kayo, Kuya Ramon! Wini-welcome namin with all our hearts ang pagbubukas ng session ng National People's Congress at Political Consultative Conference. I think, so far, they live up to people's expectations."

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Quiapo, Manila: "Ang present standard of living ng mga Chinese at status ng China sa mundo ay reflection ng trabaho ng Chinese leadership at ng National People's Congress."

Super salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay Filipino.cri.cn;

ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>