|
||||||||
|
||
March 10, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kami ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Para sa ating Tawa Na portion sa gabing ito:
Ka Tonying: Igmidio, anak, alam mo ba ang daan patungo sa ospital?
Igmidio: Walang problema, Ka Tonying. Tumayo ka lang diyan sa gitna ng kalsada mararamdaman mo na mamaya na nasa ospital ka na.
International Womens' Day (Regalo para sa mga babae)
Tunghayan naman natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ng 928 442 0119: "Kilalanin natin ang mga karapatan ng kababaihan hindi lamang kung sumasapit ang kanilang araw. Ituring natin ang bawat araw na Araw ng Kababaihan."
Sabi naman ng 906 201 1704: "Dapat ang bawat bansa ay may maaasahang batas na tunay na mangangalaga sa mga karapatan ng mga babae. Ang mga babae ang pinaka-vulnerable na members of society."
Women Smuggling Dapat Sugpuin (Babaeng pinuslit, nakauwi sa tulong ng pulisya)
Sabi naman ng 919 564 9010: "Dapat mag-impose tayo ng pinakamabigat na parusa sa krimen ng pag-i-smuggle ng kababaihan at bata. Ito ay malaking krimen hindi lamang sa bansa kundi sa sangkatauhan."
Marming salamat sa inyong mga mensahe.
KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR
(AVRIL LAVIGNE)
Narinig ninyo si Avril Lavigne sa awiting "Knockin' on Heaven's Door," na lifted sa album na pinamagatang "My World."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Michelle Peralta ng Tagbilaran City, Bohol. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
Greetings sa buong Serbisyo Filipino!
Sabah Stand-off Di-Dapat Magtagal
Malapit na ang Mahal na Araw. Sisimulan ko na rin ang Stations of the Cross ko. Marami akong gustong ipagdasal at ang isa sa mga ito ay iyong nangyayari sa Sabah. Kailangan natin ng divine intervention para mabilis na ma-solve ang issue na ito. Hindi ito dapat na magtagal dahil it will affect our good relation with Malaysia. Hindi dapat masira ang relation natin sa ating kalapit na bansa dahil lamang sa isang angkan na naghahabol ng mana. Puwede naman natin itong daanin sa peaceful negotiation. Naniniwala ako na may mga tao na nasa likod nito. Bukod dito, gusto ko ring ipagdasal ang issue ng South China Sea, katahimikan sa Korean Peninsula at issue ng employment sa Pinas. I feel obliged to do this as a practicing Christian.
Lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika. Sana ipagpatuloy mo pa ang pagpo-promote ng values sa programa mong ito.
May God love you all.
Michelle Peralta
Tagbilaran City, Bohol
Philippines
Thank you, Michelle, sa iyong e-mail. Kasama mo ako sa pagdarasal para sa mga nabanggit mong issue at ibang issues na may direktang epekto sa ating mga kababayan. Salamat sa iyong pakikinig at tiwala sa amin. God bless you, Michelle.
Ngayon, dumako naman tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok.
"TALK OF the town ang isang starlet sa isang apartelle na kanyang tinirhan.
Kasi naman, hindi pa pala bayad ang hitad sa kanyang renta ng isang buwan. It seems na wala na siyang pambayad kaya tumakas na lang daw ang hitad.
The bell boys were surprised nang malaman nilang hindi na bumalik ang starlet sa kanyang unit.
And when they opened the room ay naloka sila dahil nag-iwan ito ng ilang mga damit. Ang ikinaloka nila, halatang pinaghubaran ng hitad ang mga damit at tila matagal nang hindi nalabhan. With that, naging masangsang ang amoy sa loob ng kuwarto nang kanila itong buksan.
Da who ang starlet? Well, she's a singer-actress na walang nangyari sa career kahit na member siya ng isang show na pamorningan ang labas."
Salamat, Super DJ.
AN ANGEL WILL LOVE YOU FOR ME
(LIN HAO WEI)
Narinig ninyo si Lin Hao Wei sa kanyang awiting "An Angel Will Love You for Me," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Jay Chou at ang awiting "Blue Windstone," na buhat sa kanyang album na may pamagat na "November's Chopin 11."
Punta naman tayo sa mga SMS.
Sabi ng 919 302 3333: "Advance happy Palm Sunday and happy Easter sa inyo, Kuya Ramon. Sana matapos na ang mga kaguluhan sa iba't ibang parte ng mundo."
Sabi naman ng 917 401 3194: "Hi, Kuya Ramon! Tama ang mga tagapakinig ninyo. Hindi dapat pahintulutan ang mga individual na humawak ng paputok. Ang fireworks displays sa mga pampublikong lugar ay ang pinaka-safe na paraan!"
Sabi naman ng 920 950 2716: "Christian greetings sa Filipino Service. Lagi kong pinakikinggan ang mga talk shows ninyo at very interesting ang mga napipili ninyong topics. Congratulations sa matagumpay ninyong mga programa."
Sabi naman ng 918 315 9947: "Malapit na ang Kuwaresma, Kuya Ramon. May the peace of the Lord be with you always."
Maraming maraming salamat sa inyong text messages.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice @gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |