Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-11 2013

(GMT+08:00) 2013-03-22 14:53:01       CRI

March 17, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Para sa ating Tawa Na portion sa gabing ito...

Bigyang-daan naman natin ang ilang piling mensahe.

Pangulong Xi Jinping ng Tsina

Sabi ni Malou Chua ng Bambang, Sta. Cruz: "Taos-pusong bumabati ako sa lahat ng mga kaibigang Chinese diyan sa mainland at elsewhere sa pagkakahalal ng kanilang bagong Pangulo. Nasa bagong chapter na naman ang political life ng mga Chinese and I wish them success in all their endeavors."

Pagtatapos ng Sesyon ng Pambansang Kongresong-bayan ng Tsina

Sabi naman ni Lilian ng United Paranaque: "Binabati ko ang National People's Congress ng China sa pagtatapos ng taunang sesyon nito. Sa tingin ko, magdudulot ng malaking ginhawa sa karaniwang mamamayang Tsino ang mga naipasang batas na may direktang kinalaman sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay."

Pope Francis I

Sabi ni Jacinta Musni ng IBM Peralta, Quiapo, Manila: "Kuya Ramon, hindi ko ma-i-describe ang katuwaan ko sa pagkakaroon natin ng bagong Papa. Akala ko matatagalan pa bago sila makapili. Sana ma-address ni Pope Francis I ang mga suliraning kinakaharap ng Catholic world."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

RAGS TO RICHES
(BARRY MANILOW)

Narinig ninyo ang "Rags to Riches," sa pag-awit ni Barry Manilow. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "The Ultimate Manilow."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi ng kanyang sulat:

Pareng Ramon,

Gusto ko lang i-share sa iyo ang malaki kong kasiyahan sa pagkakaroon natin ng bagong Vicar sa katauhan ni Cardinal Jorge Mario Bergoglio. Siya ay isang aktibong Heswita sa Argentina at malapit sa puso niya ang mahihirap. Sana mapagkaisa niya tayong mga Katoliko at sana mapigil niya ang panghihimasok sa pulitika ng ating kaparian. Malakas ang pakiramdam ko na mailalapit niya tayong lahat sa Panginoon sa pamamagitan ng Ebanghelyo.

Salamat, Pare, sa pag-uukol mo ng panahon sa aming text messages at e-mails. Kasama kayong lahat sa aking everyday prayers.

God bless.

Buddy Boy Basilio
M/V Aldavaran Singapore

Thank you so much, Pare. Parehong pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon. Talagang nag-uumapaw ako sa kaligayahan. Huwag kang mag-alala at sa magkasama nating pagdarasal, everything will turn out right. Salamat uli at kumusta sa lahat ng mga kababayan diyan sa M/V Aldavaran.

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, ready? Pasok!

"KNOWS N'YO ba kung sino itong actor at designer na madalas makita sa mga event ngayon. Bulung-bulungan na sila dahil sa pagiging open ng dalawa.

Ang nakakalokah, mukhang okey lang daw sa asawa ni actor. Yes! Triangle ang labanan.

So kanino kayo, kay bading o kay girlalu?

'Yun na!

At prehong mestisa si Bading at si Misis. Clue pa ba?

Sagot na at huwag na huwag kayong maba-blanko ha! Kailangang matalas ang pag-iisip para naman masagot n'yo."

EASY
(XU WEI)

Iyan naman ang awiting "Easy," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Xu Wei. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "That Year."

Punta naman tayo sa mga SMS...

Sabi ng 910 149 9650: "Binabati ko kayo, Kuya Ramon, sa pagkakahalal ng bagong Pangulo ng China. Sana, sa termino niya, maayos natin ang gusot natin sa China."

Sabi naman ng 921 579 9156: "Sa pamamagitan ng programang Gabi ng Musika, gusto kong ipaabot ang bati ko sa pagtatapos ng session ng National People's Congress. Naniniwala ako na naging mabunga ang dalawang linggaong session"

Sabi naman ng 906 201 1709: "Sana, sa pamamagitan ng bagong liderato ng China, mapagtuunan nila ng pansin ang mga issue ng climate change, pollution at issue ng women smuggling."

Sabi naman ng 915 716 4448: "My very best to the new Chinese leadership."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>