|
||||||||
|
||
March 24, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey rin kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Para sa ating Tawa Na portion sa gabing ito...
Happy listening kina Arsenio Remolin and family, de Mesa family and Nestor Palmores and family ng Marinduque. Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagtataguyod ninyo sa aming mga programa at aming himpilan. Walang katapusan ang pasasalamat namin sa inyo...
Salamat din kay Lorna Gaspar ng Finland. Si Lorna ay masugid ding tagapakinig ng Serbisyo Filipino at noong panahong nagse-session ang NPC at CPPCC, matamang sinusubaybayan niya ang mga balita namin hinggil sa session na ito at ang sipag-sipag niyang magpadala ng remarks at comments hinggil dito.
Immaculate Conception Cathedral ng Beijing
Palaspas na Ginagamit sa Beijing
Palm Sunday pala ngayon. Nakalimutan ko kayong batiin. Maligayang Araw ng Palaspas sa inyong lahat. Ngayon ay holy day of obligation. Nagsimba ba kayo kanina? Ako ay nagpunta sa Immaculate Conception Cathedal, di kalayuan dito sa lugar namin, siguro mga 20 minutes by taxi. Nagpalaspas din kami. Ang ginagamit na palaspas dito ay iyong tangkay ng pine. Wala kasing dahon ng niyog dito sa Beijing.
Mga Batang Pinoy, Abala sa Paggawa ng Palaspas
Alam ba ninyo kung ano ang sini-symbolize ng Palm Sunday? Una, sini-symbolize nito ang pagpapakumbaba. Ibig sabihin, lunukin natin ang pride natin at humingi tayo ng tawad sa taong nasaktan natin ang damdamin. Kaya ba ninyo iyon? Pangalawa, sini-symbolize nito ang perfection. Tayo ay matatawag na perfect kung mapapatawad natin ang ating mga kaaway. Kaya ba ninyo iyon? Kaya iyan. Pangatlo, sini-symbolize nito ang peace o pakikipagmabutihan sa ating kapuwa. Hindi ba mayroon nga tayong expression na "offering an olive palm"? Iyon iyon. Diyan galing iyon.
SUPERSTAR
(CARPENTERS)
Narinig ninyo ang Carpenters sa kanilang awiting "Superstar," na lifted sa kanilang album na may pamagat na "Carpenters' Greatest Hits."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Lucy Alfonso ng Norzagaray, Bulacan. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
How are you these days?
Happy Palm Sunday sa lahat!Nagpapalaspas din ba kayo riyan sa Beijing? Gaano kalayo ang simbahan diyan sa lugar ninyo?
Tinanong mo ako last time kung ano ang kahulugan ng Mahal na Araw sa Akin.
Para sa akin, ang Mahal na Araw ay panahon ng pagsasabuhay ng Passion ni Christ; sa madali't sabi, pakikipagkasundo sa ating mga kaaway, pagdalaw sa mga maysakit, pagpapakain sa mga nagugutom, pagpapainom sa mga nauuhaw at pagbisita sa mga bilanggo.
Naniniwala rin ako na dapat panatilihin nating mga Pilipino ang mga kinagisnan nating tradisyon na tulad ng senakulo, pagbabasa ng Mahal na Pasyon, bisita iglesia, Istasyon ng Krus at iba pa.
Lagi akong nakikinig sa inyong pagbabalita tuwing 7:30 ng gabi at madalas din akong bumisita sa inyong website. Nalalaman ko ang mga nangyayari diyan sa China dahil sa inyong radio broadcast.
Maraming salamat sa pagbasa mo sa sulat ko and may the peace of the Lord be with you always.
Lucy Alfonso
Norzagaray, Bulacan
Philippines
Maraming-maraming salamat sa e-mail, Lucy. Napakaganda ng pakahulugan mo sa Holy Week. Halos ganyan din ang sarili kong pakahulugan sa Mahal na Araw. Siguro magkaiba lang tayo pagdating sa tradition, kasi opposed ako sa pagpapapako sa Krus at sa penitensiya. Naniniwala ako na hindi natin kailangang gawin ang mga bagay na iyon. Pero, iyon ay sariling opinion ko lang naman at iginagalang ko rin ang opinion ng iba. Thank you uli at happy Palm Sunday din sa iyo. God bless.
Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ...
BERDENG LIWANAG
(STEFANIE SUN)
Stefanie Sun at ang awiting "Berdeng Liwanag," na hango sa album na may pamagat na "Saranggola."
Tunghayan naman natin ang ilang text messages...
Sabi ng 919 564 9010: "Masayang Linggo ng Palaspas sa pinakamamahal naming DJ at language service. Sana kahit paminsan-minsan, makaranas naman kayo ng peace and quiet."
Sabi naman ng 921 577 9195: "A very happy Palm Sunday sa Gabi ng Musika at sa iyo rin, Kuya Ramon. Wish ko na magkatimo sa puso at isip ng lahat ng tagapakinig ang Gospel of the Lord."
Sabi naman ng 928 442 0119: "Christian greetings and happy Palm Sunday, Kuya Ramon. How are you going to spend the Holy Week? Ano ang ginagamit ninyong palaspas diyan sa Beijing?"
Sabi naman ng 906 522 9981: "Magmamahal na araw na, Kuya Ramon. Sana maiwaksi natin sa ating mga isip ang mga negatibong bagay. Mag-isip tayo ng magagandang bagay at gawin natin ito alang-alang sa Panginoon."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |