|
||||||||
|
||
April 7, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun. Eh!
Kung nakikinig si Elmer ng Butuan City, natanggap ko ang SMS mo. Hindi ko lang nasagot kaagad dahil I was in the middle of something. Salamat sa pagpaparamdam mo.
Nakalimutan kong basahin ang SMS ni Ka Mulong noong Mahal na Araw. Sabi niya, bukod daw sa Moriones Festival, may iba pa silang aktibidad sa Marinduque kung Mahal na Araw, na tulad ng palabas na tinatawag na "Pugutan ng Ulo si Tonghino." Ngayon ko lang narinig ito, ah. Salamat sa invaluable information, ka Mulong. God bless.
Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.
Boao Forum for Asia
Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ka Ramon, gusto kong bumati sa pagbubukas ng Boao Forum for Asia. Naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng porum na ito para malutas ang mga nakakabagabag na usapin ng rehiyon at para mapanatili ang regional stability."
Sabi naman ni Maricar Mendoza ng Cebu City: "Lagi kong pinakikinggan ang discussion ninyo sa programang pag-usapan natin at nagugustuhan ko ang mga topic ninyo. Kung minsan, gusto ko nga ring makisalo sa discussion ninyo. Mas maganda sana habaan ninyo ang programa para matalakay ninyo nang mabuti ang subject."
Stand-off sa Sabah
Sabi naman ni Celesti Iniqo ng Kowloon, Hong Kong: "Kuya Ramon, sa tingin ko, ang biglaang paglitaw ng isyu ng Sabah ay may kinalaman sa darating na halalan. Alam mo naman siguro kung anong klase ng pulitika meron ang Pinas. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagma-mature ang mga pulitiko natin."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
TEARS IN HEAVEN
(ERIC CLAPTON)
Narinig ninyo ang walang-kakupaskupas na tinig ni Eric Clapton sa awiting "Tears in Heaven," na lifted sa kanyang album na may pamagat na "Eric Clapton: Unplugged."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr;, ang inyong loving, ever loving DJ.
JOKE
Tunghayan naman natin ang sulat ni Rosie Lacuna ng San Ildefonso, Bulacan. Sabi ng kanyang sulat:
Hi, Kuya Ramon!
Kumusta ang Serbisyo Filipino? Kumusta ang Holy Week?
Noong nakikinig ako sa program mo one evening, bigla kong naalala ang madalas mong sinasabi na "You can buy medicine but you cannot buy death." Para kasi akong nabangag noong magdoble iyong iniinom kong antibiotics. Nakalimutan kong nakainom na pala ako, uminom pa uli ako. Hayun, nagkandahilu-hilo tuloy ako, hehehe…Uminom na lang ako nang uminom ng maraming tubig para somehow ma-delute. Anyway, I learned a good lesson from that experience.
Pinag-usapan ninyo last time ang hinggil sa problema sa lugar na paglilibingan. Problema din natin ngayon iyan dito sa Pinas, malaking-malaking problema lalo na ng mga katulad namin. I think, cremation is a good option.
Bukod sa topic na ito, nagugustuhan ko rin ang mga iba pa ninyong topics at pinakikinggan ko rin ang iba pa ninyong programs. Garantisado, patuloy akong makikinig sa inyo.
Salamat sa mga padala mo at sa mga payo mo at sana, pagpalain kayo ni Lord.
Until next time.
Rosie Lacuna
San Ildefonso, Bulacan
Thank you, Rosie. Ano ba iyan, nakainom na uminom pa uli, hehehe... Hindi lang ikaw ang naka-experience niyan. Naranasan ko rin iyan. Mag-play safe ka next time. Kung hindi ka sigurado kung nakainom ka na o hindi, huwag ka na lang uminom. Hintayin mo na lang iyong susunod na oras ng pag-inom mo. Mas mabuti na iyon kaysa magdoble. Anyway, gaya ng sinabi mo, you learned from your experience. Ingat lang next time. God bless.
Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
I'M THE VOICE OF A SUPERGIRL
(SHAO YUHAN)
Narinig ninyo si Shao Yuchan sa kanyang awiting "I'm the Voice of a Supergirl, na lifted sa collective album na may pamagat na "Supergirls' Voice."
Tunghayan naman natin ang ilang text messages.
Sabi ng 906 522 9981: "Gusto ko lang magparamdam sa iyo, Kuya Ramon. Sana ayos naman kayo riyan. Ayos lang kami rito at laging nakatutok sa inyong mga programa.
Sabi naman ng 921 257 6634: "Laging maganda signal niyo sa 12.110 MgHz, naglalaro lang sa SINFO 3-4-3 at SINFO 4-4-3. Nagustuhan ko selections mo from Jose Mari Chan, Barry Manilow, Eason Chan at Jolin Tsai."
The First Lady of China
Sabi naman ng 917 446 2270: "Nakita ko sa website niyo picture ng First Lady of China. Sa tingin ko, dahil sa kanyang charm, siya ay magiging sikat na First Lady sa buong mundo."
Sabi naman ng 928 001 4204: "Hindi pa ako nakakarating ng Tianjin, pero, sa ipinakikita ng pictures niyo, naniniwala ako na maraming turista ang maa-attract dito."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |