|
||||||||
|
||
April 21, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
B E L L
Our Heartfelt Sympathy to the Victims of Earthquake in Sichuan, China
Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang maikling panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Lalawigan ng Sichuan dito sa Tsina. Manalangin tayo... Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo...
Ang Lushan County ng Ya'an City ng Lalawigan ng Sichuan dito sa Tsina ay niyanig ng magnitude 7 earthquake kahapon ng umaga. As of 5 o'clock kahapon ng hapon, 113 na ang bilang ng mga namatay. Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation kaya inaasahang tataas pa ang bilang na ito.
Sa totoo lang, nalaman ko lang ang hinggil sa pangyayaring ito noong magsimula akong makatanggap ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga tagapakinig. Maraming-maraming salamat sa inyo. Nabagbag talaga ang damdamin ko ng inyong mga mensahe.
At narito ang ilan sa mga mensaheng natanggap namin as of yesterday...
Lindol sa Sichuan
Sabi ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Hi, Mon! I'm conveying my love and sympathy to those who lost their loved ones and those whose family members got injured in Sichuan earthquake. May the injured get well soon and the dead rest in peace."
Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ka Ramon, ikinalulunggkot ko ang nangyari sa Sichuan kaninang umaga. Sana mailikas lahat ang mga mamamayan para hindi na madagdagan ang bilang ng mga nasugatan at namatay. Nakalulungkot talaga ang ganitong pangyayari."
Sabi naman ni Claire Santos ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Nakikiramay ako sa mga kamag-anakan ng mga biktima ng lindol sa Sichuan. Sana ma-realize nila na ang pinagdadaanan nila ay isang pagsubok lamang at walang pagsubok na hindi natin makakayanang lampasan."
Sabi naman ni Blanca Cabral ng R. R. Landon Extension, Cebu City: "My love and prayer to those who lost their loved ones in Sichuan earthquake. I know how they feel but I don't seem to know how to mend a broken heart. I commend everything to the Lord above."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe. May God love you all.
FOR YOU
(JOHN DENVER)
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni John Denver sa kanyang sariling kathang awiting "For You," na lifted sa album na pinamagatang "Legendary."
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. Sabi ng sulat:
Pareng Ramon,
Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkakasulatan. Kumusta na ba diyan sa Serbisyo Filipino?
Nandito ako ngayon sa atin at nakita ko iyong padala mong pamasko sa pamilya ko. Salamat, Pare. Kung may item kang gustong ipabili sa Saudi, sabihin mo lang at bibilihin ko pagbalik ko.
Mas malinaw ang signal ninyo dito sa Pinas kaysa sa Saudi. Medyo nagkaroon nga lang ng pagbabago sa frequency kasi ang 8 o'clock broadcast ninyo ay nalipat sa banding 11 at 12 mghz. Nasusundan ko lahat ang mga programa ninyo at wala akong masabi dahil pare-parehong magaganda, very informative. Updated na updated ako pagdating sa news and info hinggil sa China. Salamat, Pare.
Sana natatanggap mo iyong reception reports na ipinadadala ko. Hindi man ako nakaka-SMS at e-mail, hindi ko naman pinalalampas ang mga programa ninyo.
Salamat uli sa malasakit mo sa akin at sa pamilya ko.
Hanggang sa susunod, Pare.
Lucas Baclagon
Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia
Salamat sa e-mail, Pareng Lucas. Hindi ka na kailangang bumili ng kahit ano para sa akin. Iyong pakikinig mo at pagsulat lang sa amin ay sobra-sobra na. Asikasuhin mo na lang ang trabaho mo sa Saudi. Ikaw talaga, oh. Salamat uli, Pare and God bless you and your family.
Ngayon, pakinggan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
EKSKLUSIBONG ANGHEL
(LU JIANZHONG)
Jacky Cheung at ang awiting "The Taste," na buhat sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Tunghayan naman natin ang ilang SMS,
Boston Bombings
Sabi ng 917 466 2270: "Hi, Kuya Ramon! Sana mahuli kaagad iyong dalawang guys na pinaghihinalaan na siyang may kinalaman sa pagsabog sa Boston marathon. Maaring ipagpatuloy pa nila ito kung hindi sila mahuhuli."
Sabi naman ng 928 415 6462: "Marathon bombings, lindol sa Iran, Texas fertilizer plant explosion: signs of the times? Maaring oo, maaring hindi. Pero, ano kaya ang mga susunod dito?"
Sabi naman ng 910 435 0941: "Huwag nating kalimutang isama sa ating mga panalangin ang mga biktima ng lindol sa Iran, biktima ng karahasan sa Syria at biktima ng mga pagsabog sa Boston."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Ayon sa latest update, 180 na ang bilang ng mga namatay sa lindol sa Sichuan. Manatili kayong nakaantabay sa aming mga balita para sa susunod na update.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. At muli, inuulit ko ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |