|
||||||||
|
||
April 28, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Siyempre, kung okey kayo riyan, okey din kami rito. At kung wala kayo riyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.
Reconstruction sa Nilindol na Lugar sa Sichuan, Sinimulan Na
Kaugnay ng lindol sa Sichuan Province, as of April 26, 196 ang bilang ng mga namatay, 21 ang nawawala, 13,000 ang sugatan, 690 ang nasirang mga impraistruktura at 2.46 na milyon ang mga mamamayang apektado.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin kaming nakakatanggap ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay at ari-arian sa lindol. Maraming-maraming salamat sa inyo lalung lalo na kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Kate ng red_ford@yahoo.com; Dr. George ng george_medina56@yahoo.com; Aileen ng perfidia909@yahoo.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; Manny ng manny_feria@yahoo.com; at Carol ng carolnene.edwards@gmail.com.
Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.
Gumuhong Gusali sa Bangladesh
Sabi ni Lara Carpio ng Shunyi, Beijing, China: "Siguro dapat din nating isama sa mga dasal natin iyong mga biktima ng pagguho ng isang building sa Bangladesh. Ilang daan daw ang namatay doon ayon sa balita. Siguro marami na rin tayong pagkukulang sa Itass kaya nangyayari ito."
Sabi naman ni May ng San Juan, Metro Manila: "Sana nga, Kuya Ramon, mapasimulan na ang reconstruction sa mga area na nasalanta ng lindol sa Sichuan. Kung hindi man, sana mailipat sa mabuti-buting shelter iyong mga evacuees na nasa tents para maiwasan ang pagkakasakit."
Macau, China
Sabi naman ni Vivienne ng Polytechnic University of the Philippines: "Kuya Ramon, nakapunta ka na ba sa Macau? Maidi-describe mo ba sa akin ang region na ito ng China? Totoo ba na ito ang tinataguriang Las Vegas ng China? Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong puntahan ang lugar na ito ng China."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
UNFORGETTABLE
(NAT KING COLE AND NATALIE COLE)
Narinig ninyo si Nat King Cole at ang kanyang anak na si Natalie sa kanilang awiting "Unforgettable," na lifted sa album na may pamagat na "Closer: When Pop Meets Jazz."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Naila Feria ng Connecticut, San Juan, Metro Manila. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta na kayo riyan sa CRI?
Nakikiramay ako sa mga biktima ng lindol. Sana malampasan nila ang crisis as soon as possible.
Nagkaroon ng kaunting pagbabago sa frequency ng transmission ninyo pero hindi naman nagbago ang quality. Ilang gabi rin akong nakinig when I was in Palawan.
Napakinggan ko ang discussion ninyo hinggil sa pagdi-diborsiyo ng mga Chinese para makaiwas sa pagbabayad ng sales tax ng property. Siguro walang problema ito sa mag-asawa dahil alam nila na nagkukunwari lang sila; pero, sa mata ng ibang tao, sila ay mga diborsiyado at diborsiyada. Siyempre, malalagay din sila sa malaking kahihiyan, hindi kaya? Iyan lang ang masasabi ko sa subject na iyan. I really enjoyed listening to this program-- sa totoo lang. I'll try to send comments as often as I could.
Wala na akong ibang masasabi sa ngayon except that your website is so far, so good..
Thanks sa concern at kind assistance.
Please send my love to everybody.
Naila Feria
Connecticut, San Juan
Metro Manila
Philippines
Salamat sa e-mail, Naila at salamat din sa mga tulong mo para maitaguyod ang mga programa namin. We really couldn't thank you enough. May God bless you.
Ngayon, pakinggan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
MAGILIW
(JASMINE LEUNG)
Jasmine Leung at ang awiting "Magiliw," na hango sa album na pinamagatang "Kissing the Future of Love."
Bigyang-daan naman natin ang ilang SMS.
Sabi ng 910 011 8819: "Sana ituloy ng China at Philippines ang kanilang friendly exchanges kahit may namamagitang gusot sa kanila dahil sa territorial issue."
Sabi naman ng 915 708 9585: "Sana talakayin nila sa ASEAN summit ang issue ng South China Sea at sana magbalik na sila sa Conduct of Parties in the South China Sea."
Sabi naman ng 919 426 7176: "Hindi malulutas ang nuclear issue ng Iran at North Korea kung hindi magpapakita ng pagtitiwalaan ang mga involved na bansa. Ang pagtitiwalaan ang mahalagang mahalaga rito."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |