Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-18 2013

(GMT+08:00) 2013-05-10 18:28:50       CRI

May 5, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika.

Kung nakikinig si Poska ng Finland, Manuela ng Switzerland, at Cleofe ng Denmark, maraming salamat sa efforts ninyo sa pagpo-promote ng aming website at mga programa. Walang katapusan ang pasasalamat namin sa inyo. God bless...

Bigyang-daan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Jocelyn ng New Territories, Hong Kong: "Nananawagan ako sa mga kababayan natin lalo na iyong mga absentee voter na gamitin ang kanilang isip at hindi emosyon sa kanilang pagboto. Alamin nila ang kakayahan at karanasan ng kanilang mga iboboto."

Pagkakaisa ng mga Chinese sa Panahon ng Kalamidad

Sabi naman ni Mariette ng Lumban, Laguna: "Hinahangaan ko ang pagkakaisa ng mga Chinese kung may natural disaster. Muling nasaksihan ang pagkakaisang ito noong maganap ang lindol sa Sichuan."

Premyer ng Tsina Binisita ang mga Biktima ng Lindol

Sabi naman ni Lodie ng Sta. Cruz, Zambales: "Salamat sa malasakit ng mga lider ng Tsina, nagbabalik na sa normal ang pumumuhay ng mga nasalanta ng lindol sa Lalawigan ng Sichuan. Salamat din sa dalangin ng maraming kababayan."

Maraming salamat sa inyong mga mensahe...

KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR
(AVRIL LAVIGNE)

Narinig ninyo si Avril Lavigne sa kanyang awiting "Knockin' on Heaven's Door," na lifted sa album na pinamagatang "My World."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan naman natin ang e-mail ni Lindsay ng DLSU Dasmarinas. Sabi ng kanyang sulat:

Dear Kuya RJ,

Thanks for your generosity and understanding.

Maraming nagtatanong dito kung bakit pinapatulan ko ang mga programa ninyo. Ang sagot ko: "You are one in a million." Hindi pa kasi nila kilala kung sino si super Loving DJ.

Tama iyong sinabi mong hindi dapat gamitin sa layuning pulitikal ang mga touching stories kung may kalamidad. Ang ganitong stories ay ibinabahagi lamang para malaman ng mga tao ang talagang kalagayan sa lugar na nasalanta ng bagyo, lindol at iba pang mga disasters.

I believe na hindi na rin magtatagal at magbabalik na ang mga residents na lumikas dahil sa lindol sa Sichuan. Ito ang dasal ko sa araw-araw.

Iyong broadcast ninyo kung 8 o'clock umurong nang konti sa banding pagitan ng 12 and 13 mghz, pero ganun pa rin ang nilalaman although iba ang opening.

No worries, Kuya Ramon, kasama rin ako sa mga nagpo-promote ng inyong mga programa at website.

Kumusta na lang sa lahat.

Thank you so much, Lindsay. Kumusta ba ang buhay estudyante? Balita ko candidate ka raw sa pagiging honor student, totoo ba? Anyway, I wish you the very best. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo, ha?

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super Dj Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

PLAY WITH ELVA
(DAVID TAO)

David Tao at ang awiting "Play with Elva," na hango sa album na pinamagatang "David Tao 69."

Punta naman tayo sa mga SMS.

Sabi ng 928 442 0119: "Hi, Kuya Ramon! Okay banat ninyo sa pag-usapan natin. Solved ako. Let's put an end to touching stories na wala namang malaking saysay."

Sabi ng 910 435 0941: "Kumusta, Loving DJ! Mahilig ako sa easy listening music at love songs kaya enjoy ako ng pakikinig sa Gabi ng Musika. Gusto ko ring makarinig ng music from the 60's and 70's."

Hindi Dapat Armasan ang Syrian Opposition

Sabi naman ng 0049 179 240 9144: "Hindi ako sang-ayon sa planong pagbibigay ng armas sa Syrian opposition. Ito ay lalo lamang magpapalala sa situation doon at hindi maghahatid ng katahimikan sa bansa."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart), 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>