|
||||||||
|
||
May 12, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Mid-term Election ng Pilipinas
May panawagan si Pablo Cruz ng Zambales sa lahat ng mga kababayang botante. Sabi ng kanyang panawagan: "Sa lahat ng mga kababayan: God helps those who help themselves. Go out ang vote and vote according to your conscience."
Salamat, Pablo.
Ano ang sinasabi ng mga tagapakinig hinggil sa kaso ng pamamaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Taiwanese fishing boat.
Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Hindi dapat manahimik si Pnoy sa kaso ng pamamaril ng ating Coast Guard sa Taiwanese fisherman. Inilagay tayo nito sa malaking kahihiyan."
Sabi naman ni Dr. George ng george_medina56@yahoo.com: "Dapat disiplinahin ng awtoridad natin ang hanay ng ating militar. Dapat itiwalag sa tungkulin iyong mga trigger-happy na tauhan ng Coast Guard na namaril sa mangingisdang Taywanes."
Sabi naman ni Edward ng Onyx, Paco, Manila: "Kuya Ramon, bakit sa panahon ni Pnoy, maraming nagaganap na kahiya-hiyang pangyayari. Ano ba iyan..."
Sabi naman ni Joseph Meren ng Punta, Sta. Ana: "Nakikiramay kami sa kaanak ng nasawing mangingisda mula sa Taiwan. Ito ay isang marahas na aksiyon ng ating militar at kailangan tayong humingi ng paumanhin."
Maraming salamat sa inyong mga reaction. Welcome ang lahat namagpadala ng kanilang reaction hinggil sa anumang current issues."
Bigyang-daan natin ang ilang piling-mensahe.
Sabi ni Grace ng Sta. Cruz District, Manila: "Dapat magtiwalaan sa isa't isa ang mga kandidato at kanilang mga kampo at tanggapin ang resulta ng eleksiyon para walang maraming gulo. Kelan pa ba titino ang eleksiyon natin?"
Sabi naman ni Edith ng Taguig City, Metro Manila: "Salamat sa pagtataguyod ninyo sa wikang Filipino at pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Chinese. Sana magtagumpay kayo sa inyong adhikain."
Sabi naman ni Maria Alona ng Forvenir, Sta. Cruz, Manila: "Kuya Ramon, nakikinig ako sa radyo at nakikinig din ako sa webcast. Sinusubaybayan ko ang mga balita ninyo at halos lahat ng special feature programs na tulad ng Dito Lang Iyan sa Tsina, Movie Buddy, Mga Pinoy sa Tsina at iba pa."
Salamat sa inyong mga mensahe. God bless...
WE BELONG
(Toni Gonzaga)
Narinig ninyo si Toni Gonzaga sa kanyang awiting "We Belong," na lifted sa album na pinamagatang "You're The One."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Antonina Ramirez ng New Territories, Hong Kong. Sabi ng kanyang sulat:
Dear Kuya RJ,
Sana okay kalagayan ninyo diyan sa Beijing.
Celebrity Dive, Isang Gimik Lang?
Kung ako ang tatanungin, iyong pinag-usapan ninyong celebrity dive na tampok sa mga reality shows ay may sariling katangian at kahalagahan. Ito ay bahagi ng palabas na malakas maka-enganyo sa mga manonood. Talagang may risk--at alin ba namang palabas ang wala? Pero alam ng mga producers kung ano ang dapat nilang gawin para mabawasan ang mga risk na ito. So, para sa akin, okay lang ito.
Dapat talagang humingi ng paumanhin ang ating mga kinauukulan sa naganap na pamamaril ng mga kasundaluhan natin sa barkong Taiwanese. Dapat tanggalin sa serbisyo ang ganitong klaseng mga sundalo.
Bihira lang akong sumulat pero madalas naman akong makinig. Bukod sa Gabi ng Musika, matamang sinusubaybayan ko rin ang inyong mga talk shows.
Salamat sa mga padala, Kuya Ramon, at regards to everybody.
Antonina Ramirez
New Territories, Hong Kong
China
Salamat sa e-mail at sa matamang pagsubaybay mo sa aming mga programa, Antonina. Maganda ang opinion mo hinggil sa topic naming "celebrity dive" sa programang Pag-usapan Natin at maging sa isyu ng pamamaril ng mga tauhan ng ating Coast Guard sa barkong Taywanes. We are looking forward to hearing more from you. Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa New Territories, ha? Thank you uli and God bless.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Yao Ming, Shanghai Sharks, Bumisita sa Pilipinas
Ang dating National Basketball Association superstar na si Yao Ming ay dumating sa bansa para sa friendly visit at bilang bahagi ng "Years of Friendly Exchanges" sa pagitan ng Pilipinas at bansang Tsina.
Si Yao ay lumipad patungong Maynila noong nakaraang Biyernes matapos ang isang araw na pagdating ng Shanghai Sharks, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Si Yao at ang kanyang koponan ay nagsagawa ng basketball clinic para sa kabataang mahihirap noong ika-5 ng Mayo sa multi purpose arena sa Philsports sa Pasig City.
Hinarap naman ng Shanghai Sharks ang koponan ng Smart Gilas Pilipinas sa isang exhibition match noong Lunes sa MOA arena sa Pasay City.
Nakasagupa din ng Sharks ang Philippine Basketball Association selection noong nakaraang martes.
Nagbigay-pugay naman si Yao at ang Sharks ika-10:00 ng umaga noong Mayo 6 kay Vice President Jejomar Binay sa Coconut Palace.
Salamat, Super DJ!
SEPTEMBER
(XU WEI)
Narinig ninyo si Xu Wei sa kanyang awiting "September," na hango sa album na may pamagat na "That Year."
Tunghayan natin ang ilang text messages.
Sabi ng 917 901 3559: "Dapat nating papurihan ang Chinese army sa kanilang serbisyo sa mga mamamayan ng Sichuan makaraan ang lindol. Mahirap mapantayan ang kanilang ipinakitang dedication."
Sabi naman ng 919 642 8830: "Sabihin ko sa inyo, miss na miss ko na ang Cooking Show. Kelan uli ito magbabalik sa himpapawid? Meantime, sinusundan ko ang inyong Balita at Usap-usapan, Pag-usapan Natin, Maarte ako, Mga Pinoy sa Tsina, Movie Buddy, Gabi ng Musika, Pop China at Dito Lang Iyan sa Tsina."
Lalawigan ng Hebei ng Tsina
Sabi naman ng 928 464 3104: "Nagustuhan ko iyong pictures ng Hebei Province na ipinaskil ninyo sa inyong website. Sa totoo lang, first time ko lang na marinig ang pangalan ng province na ito. Interesado akong malaman ang history nito."
Sabi naman ng 915 881 2174: "Patuloy pa rin ako sa pag-asam na matapos na ang pagtatalo ng China at Philippines sa South China Sea."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |