|
||||||||
|
||
gnm20130519
|
May 19, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Sana nakikinig sina Ronnalyn, Janice at Lara. Maraming salamat sa inyong treat. Nagustuhan ko iyong fajitas atsaka iyong empanada. Ang sarap talaga.
Alam niyo silang tatlo ay taga-Shunyi District dito sa Beijing at matagal-tagal na ring nakikinig sa Serbisyo Filipino. First time ko silang na-meet personally two nights ago.
Salamat sa inyong walang-sawang pagtataguyod sa aming mga programa. God bless.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Syrian Conflict
Sabi ni Mabel ng Circumferential Road, Antipolo, Rizal: "Hindi talaga malulutas ang Syrian conflict kasi ang bawat side ay gusto lang makaganti sa kabila. Dapat matuto na lang silang magpatawaran para hindi na madagdagan ang bilang ng mga namatay."
Sabi naman ni Irene ng Malabon, Metro Manila: "Alam ko, Kuya Ramon, maski ikaw sisisihin mo ako dahil hindi ako bumoto noong eleksiyon. Pero wala talaga akong magagawa dahil wala akong mapagpilian. Wala akong mapagpilian dahil wala naman sa kanilang totoong tao."
Sabi naman ni Blanca ng Cebu City: "Pagmamahalan at hindi pagdidigmaan ang pakatandaan. Ano ba ang nangyayari sa ating mga magkakapatid sa mata ng Diyos?"
Salamat sa inyong mga mensahe.
Maganda iyong tanong ni Blanca: "…Ano ba ang nangyayari sa ating mga magkakapatid sa mata ng Diyos?" May alam ba kayong sagot sa tanong na iyan? Sige, i-text ninyo sa akin kung may alam kayo. Siyempre, mayroon din akong sagot, pero gusto ko munang malaman ang sa inyo.
MY FOOLISH HEART
(JOSE MARI CHAN)
Narinig ninyo si Jose Mari Chan sa kanyang awiting My Foolish Heart na hango sa album na pinamagatang "Love Letters and Other Souvenirs." .
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang e-mail ni Cynthia Mora ng San Carlos City, Pangasinan. Sabi ng kanyang sulat:
Hi, Kuya RJ!
Hello to everybody!
Natapos na rin ang election at kahit hindi nanalo lahat ng ibinoto ko, masaya na rin ako kasi nagamit ko ang right of suffrage ko. Congratulations sa nanalo at, sa natalo, there is also victory in defeat.
Sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Taywan, Sana Malutas Kaagad
Nalulungkot ako dahil sa nangyari sa pagitan ng Philippines at Taiwan. Hindi dapat sumama ang relation ng dalawa kung naging maingat, mahinahon at responsable ang ating Coast Guard. Ayoko nang isipin ang magiging consequence nito. Sana mag-subside na ang tension sa pagitan ng Philippines at mga kalapit na bansa nito. Hindi tayo matatahimik pag may ganyan.
Alam mo, Kuya Ramon, nasira ang momentum ko sa pagluluto kasi itinigil ninyo ang Cooking Show ninyo. Hihintayin ko ang pagbabalik nito sa air. Alam mo naman na ito ang nag-inspire sa akin na magluto.
Chinese Wooden Bookmarks
Maganda iyong padala ninyong bookmarks na gawa sa balsa wood. Very attractive at maraming nagkakagusto. Baka puwede pang makahingi ng ilan.
Pag nakabili ako ng radyo, magpapadala rin ako ng reception report para malaman ninyo ang quality ng broadcast ninyo sa short wave.
Hanggang dito na lang muna, Kuya Ramon. Susulat uli ako pag may bagong balita.
Until next time.
Thanks sa e-mail at sa pag-uukol mo ng panahon sa mga programa namin, Cynthia. Huwag kang mag-alala, magbabalik din ang Cooking Show. Inihahanap lang namin ng angkop na time slot. Kung nagustuhan mo iyong bookmarks magpapadala pa kami sa iyo. Ilan pa ba ang kailangan mo? Huwag mo nga palang kalilimutang ipadala ang telephone number mo, ha? Okay, ingat and God bless.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
LOVER
(DAO LANG)
Dao Lang at ang awiting "Lover," na buhat sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."
Punta naman tayo sa text messages.
Sabi ng 928 651 9883: "Tama ka, Kuya Ramon! Dapat nating i-solve ang problema natin nang isa-isa. Hindi natin maso-solve ang mga ito kung pagsasabay-sabayin."
Sabi naman ng 919 642 8830: "Kuya Ramon, nakiki-sympathize ako sa mga mamamayan ng Bangladesh. Hindi pa nga gumagaling iyong mga nasugatan sa pag-collapse na building, dinaluhong naman sila ng cyclone. My prayer goes to them."
Sabi naman ng 917 512 4205: "Naniniwala ako na dapat parusahan iyong tauhan o mga tauhan ng PCG na namaril ng Taiwanese fisherman. Kahit ano pa ang dahilan, hindi siya dapat nagpaputok ng baril."
Sabi naman ng 915 881 2174: "Maraming salamat sa souvenir items, Kuya Ramon. Nagpadala na ako ng reception report dated May 5, 8 and 12."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |