![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
gnm20130526
|
May 26, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Medyo mahaba-haba ang oras natin ngayong gabi kaya mapapatugtog ko iyong matagal nang niri-request na "The Masquerade" ng Carpenters. Gusto ko talaga itong patugtugin noon pa kaya lang kulang tayo sa oras, eh. Sana nakikinig iyong nagri-request, si Techie ng West Coast Way, Singapore.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sa Digmaan, Walang Panalo, Lahat Talo
Sabi ni Dorothy ng Cebu City, Philippines: "Hindi ko malaman, Kuya Ramon, kung bakit maraming war freak ngayon. Hindi ba may kasabihan na 'Kung makukuha ng paupo, huwag nang tumayo'? Sa digmaan, walang panalo, lahat talo. Bakit hindi sila mag-isip ng mga bagay na maglalayo sa atin sa digmaan?
Sabi naman ni Chelsea ng Lipa City, Batangas: "Kuya Ramon, enjoy na enjoy ako ng pakiinig sa CD ng Chinese traditional music na ipinadala mo. Sa totoo lang, paulit-ulit kong pinakikinggan. Hindi ko lang maintindihan ang lyrics pero gustung-gusto ko iyong melody."
Lao Zi
Sabi naman ni Rod ng Zamora, Pandacan: "Kuya Ramon, nakabili ako ng kopya ng libro hinggil sa philosophy ni Lao Zi. Tama ang sabi mo na maganda ang do nothing philosophy niya at ito ay pinapraktis ng ilang bansang kanluranin. Engrossed na engrossed ako ngayon sa librong ito. Salamat sa tip."
Maraming salamat sa inyong mga mensahe.
THE MASQUERADE
(CARPENTERS)
Narinig ninyo ang Carpenters sa kanilang awiting "The Masquerade," na lifted sa album na pinamagatang "Carpenters' Greatest Hits."
Ang awiting iyan ay request ni Techie Villareal ng Hin Seng Garden, West Coast Way, Singapore.
Pasensiya ka na, Techie, ha? Ngayon lang...
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang bahagi ng e-mail ni Lodie Gayco ng Virac, Catanduanes. Sabi dito:
"In my own personal opinion, malapit sa puso ng mga Tsino ang Partido Komunista dahil ang partidong ito ay may sense of priority at sense of vision para sa bansa at isinasa-isang-tabi nito ang isyung pulitikal at problema ng bayan ang hinaharap. Step by step, nilulutas nito ang mga problema. Noong una, nilutas nito ang problemang kung paanong mapapakain ang malaking populasyon ng Tsina. Ngayon, dagsa ang pagkain sa palengke. Ang problema ngayon ay hindi dami ng pagkain kundi quality at variety. Ito ngayon ang pinagtutuunan ng pansin ng partido bukod pa sa modern conveniences para sa higit na nakararaming mamamayan."
Salamat sa e-mail, Lodie. Iyong isang bahagi ng sulat mo ay personal na personal kaya hindi ko na binasa sa air. Sasagutin ko na lang iyon sa pamamagitan ng e-mail. Sana okay lang sa iyo. Salamat din sa opinion mo hinggil sa Partido Komunista ng Tsina. Sana ipagpatuloy mo pa ang pagsulat sa amin at sana hindi ka magsawa ng pakikinig sa aming mga programa. Thank you uli and God bless.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
FORMER WAYS
(NAN QUAN MAMA)
Nan Quan Mama at ang awiting Former Ways na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Tunghayan naman natin ang ilang SMS.
Sabi ng 921 577 9195: "Gusto ko lang ipaalam sa iyo, Kuya Ramon, na full ang ibinibigay kong support sa inyong mga programa at sa inyong Serbisyo. Anim na taon na akong nakikinig sa inyong istasyon."
Sabi naman ng 917 466 2270: "Sa isang banda, tama ka, Ka Ramon. Ang isa sa mga dahilan ng tagumpay ng Tsina ay ang pag-a-adopt nito ng sistemang pulitikal na angkop sa kultura at pag-uugali ng mga Tsino at sa pangkalahatang kalagayan ng bansa."
Sabi naman ng 928 442 0119: "Iyong sinasabi ng lider ng China na scientific na paraan ng reconstruction ng nilindol na area ng Sichuan ay ang pinaka-praktikal na paraan. Gusto lang niyang masiguro na hindi mauulit ang naganap sa Sichuan recently."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |