Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-24 2013

(GMT+08:00) 2013-06-21 14:49:36       CRI

June 16, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Dapat lang. Lagi ninyong tatandaan: Huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan...

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng mga espesyal na mensahe para sa Sino-Filipino Friendship Day at Philippine Independence Day, lalung-lalo na kina Blanca Cabral ng Cebu City; May Lesaca ng San Juan; Stephanie Lim ng Sta. Cruz, Manila; Claire Santos ng Angeles City, Pampanga; Pablo Cruz ng Zambales; at Roselle Lim ng Singapore. Mabuhay kayong lahat!

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Pangulong Xi Jinping sa Amerika

Sabi ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Saudi Arabia: "Inaasahan ko na magiging matagumpay ang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping sa U. S. Ang relation ng dalawang bansa ay mahalaga hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa lahat ng bansa ng mundo. Asamin natin ang pinakamabuti sa kanilang relasyon."

Pagdiriwang ng Sino-Filipino Friendship Day sa Beijing

Sabi naman ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Binabati ko ang mga kababayan diyan at mga kaibigang Chinese sa kanilang pagdiriwang ng Sino-Filipino Friendship Day. Sana magkaroon ng improvement ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa mga darating na araw."

Pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa Beijing

Sabi naman ni Plum Regalado ng University of Santo Tomas: "Happy Independence Day sa inyo, Kuya Ramon. Sana, tuluyan na tayong makawala sa kontrol ng mga dayuhang bansa at matuto tayong tumayo sa ating sarili sa abot ng ating makakaya."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

MAKAKAASA KA
(RIVERMAYA)

Iyan ang Rivermaya sa kanilang awiting "Makakaasa Ka," na lifted sa collective album na pinamagatang "Pinoy Play File."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan naman natin ang mga mensaheng natanggap namin nitong nakaraang linggo.

Shenzhou 10

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Binabati ko ang China sa matagumpay na paglulunsad nito ng spacecraft na Shenzhou 10. Makasaysayan ito at malaking contribution sa space science."

Sabi naman ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Kahit na anong paraan subukin nila. Basta ang mahalaga, malutas ang hidwaan sa dagat sa mapayapang paraan."

Sabi naman ni Luz ng Sta. Ana, Manila: "Tama kayo, Kuya Ramon. Problema rin ng mga graduates natin ang trabaho. Marami sila pero kakaunti ang job opportunities."

Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Kumusta biyahe sa Nanning, Kuya Ramon? Matagal na rin ako sa China pero wala pa akong nararating na ibang lugar liban sa Tianjin."

Sabi naman ni Mirasol ng Beijing International School: "Salamat, Kuya Ramon, for sharing with us the interview with Senator Marcos. He speaks well in English as well as in Tagalog."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Maganda tanong ng inyong listener: 'Kasalanan ko ba kung ako'y ipinanganak na mahirap?'"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

SEPTEMBER
(XU WEI)

Xu Wei at ang awiting "September," na hango sa album na pinamagatang "That Year."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang ulat ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat Super DJ.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>