Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-25 2013

(GMT+08:00) 2013-06-28 17:55:50       CRI

June 23, 2013 (Sunday)

OPENING SOUND

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta ba? Okay lang ba kayo riyan? Dapat lang. Basta lagi lang ninyong tatandaan: Huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan!

Salamat kay MJ Foster ng Denmark. Sabi niya tumutulong daw siyang i-promote ang mga programa at ang website namin. Pinalalakas daw niya ang dating namin sa Europe partikular na sa region ng Scandinavia. Salamat Mj. Maraming-maraming salamat and God bless.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Lagi kong binibisita ang website ninyo, Kuya Ramon. Halos araw-araw ata binubuksan ko ito. Solved ako sa mga programa ninyong "Movie Buddy," "Mga Pinoy sa Tsina," "Pag-usapan Natin," "Maarte Ako," at "Pop China." Nagpapasalamat din ako sa pagpo-post ninyo ng mga message ko sa inyong website.

Sabi naman ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan: "Binabati ko ang lahat ng mga kababayan diyan sa China sa kanilang get-together in connection with Philippine Independence Day. Sana maging masaya ang party dahil minsan-minsan lang naman magkasama-sama ang members ng Filipino community."

Filipino Food Fest sa Westin Hotel Beijing

Sabi naman ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Ikinatutuwa ko ang pagdaraos ninyo diyan sa Beijing ng promotion ng Filipino food. Sana magkaroon pa ng mga ganyan kahit walang espesyal na okasyon. Malaking tulong iyan para malaman ng iba ang ating historical background at national heritage. Sana nagustuhan ng iba ang lahat ng ating mga lutuin."

Maraming salamat sa inyo. Salamat din kay Mato ng Pandacan, Celesti ng Hong Kong, Ed ng Paranaque, Jocelyn ng Mandaluyong, Joan ng Manila at Divine ng Quezon City.

DOOBIDOO
(KAMIKAZEE)

Narinig ninyo ang awiting "Doobidoo" sa interpretation ng Kamikazee. Ang awiting iyan ay lifted sa collective album na may pamagat na "The Best of Apo Hiking Tribute."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang linggo.

Sabi ni Elsa ng Name St., Lungsod ng Kalookan: "Dapat namang pangalagaan natin ang relation natin sa China. Matagal na ito at nakakahinayang na basta na lang masira nang ganun-ganun lang."

Sabi naman ni Ebeth ng Mistyeyed119@leunet.ch: "Buti pa nga si Bongbong, eh. Mas practical ang paraan na iniri-recommend niya para ma-maintain natin ang magandang relation sa China. Bakit di naman natin subukin?"

Sabi naman ni Jenny ng Wack-Wack, San Juan: "Ang lamig naman sa mata ng Nanning, green na green and very picturesque."

Loboc Choir

Sabi naman ni Mirasol ng Beijing International School: "Binabati ko ang ating Loboc choir. Sa pamamagitan ng kanilang magagandang tinig at kaakit-akit na awitin, isinusulong nila ang magandang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina."

Sabi naman ni Pom ng Sta. Ana, Manila: "Medyo late na pero ipinaaabot ko pa rin ang pagbati ko sa lahat para sa Sino-Filipino Friendship Day. Hindi natin maitatago ang matagal nang kasaysayan ng ating pagkakaibigan."

Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Ramon, para sa iyo iyong kantang "Wonderful Tonight" ni Eric Clapton. You are wonderful all day and all night."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

AN ANGEL WILL LOVE YOU FOR ME
(LIN HAO WEI)

Iyan naman ang awiting "An Angel Will Love You for Me," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Lin Hao Wei. Ang track na iyan ay hango sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang email, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart), 0921 257 2397. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>