|
||||||||
|
||
gnm20130630
|
June 30, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta ba? Okay lang ba kayo riyan? Dapat lang. At kung may problema man, laging tatandaan: Huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Happy trip at good luck kina Dr. Pearl Tan, Dr. Mary Anne Sy at Dr. Benjie Nicolas. Sila ay mga dentista at kasalukuyang nasa China para sa isang business trip. Patungo raw sila ngayon sa Dalian. Marami akong natutuhan sa pakikipag-usap ko sa kanila.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Edward Snowden
Sabi ni Joselito ng Kamias Road, Quezon City: "Para sa akin, siguro dapat makipag-compromise si Snowden sa U. S. para makabalik siya sa Amerika at maharap niya ang kaso niya. Wala siyang maraming choices dahil alangang magbigay sa kanya ng asylum ang karamihan sa mga bansa."
Sabi naman ni Annie Tanchico ng IBM Peralta, Quiapo: "Sa tingin ko, Kuya Ramon, kayo ay hindi lamang gumaganap ng papel bilang tulay ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Chinese kundi 'bridge over troubled water' din ng mga kung baga ay nasa 'bingit ng pagkalunod.'"
The Great Wall of China
Sabi naman ni Roselle Lim ng West Coast Way, Singapore: "Kuya Ramon, salamat sa paliwanag mo hinggil sa talagang haba ng Great Wall of China. Iba-iba kasi ang mga figures na nababasa ko kaya medyo confused ako. Kumbinsido ako sa paliwanag mo. Salamat and mabuhay!"
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
RAGS TO RICHES
(BARRY MANILOW)
Narinig ninyo sa Barry Manilow sa kanyang sariling version ng awiting "Rags to Riches," na lifted sa album na pinamagatang "The Ultimate Manilow."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Bigyang-daan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang linggo.
Sabi ni Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila: "Kuya, sino ang pinakagusto mong Chinese artist at alin ang love na love mong Chinese food?"
Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "Totoo iyong mga sinasabi nila. Malaki ang maitutulong ni Bongbong para mapaganda relation natin sa China."
Sabi naman ni Fritz ng Molino II, Bacoor, Cavite: "Sabi nila dapat daw makuntento tayo sa kung anong meron. Iyon daw ang susi ng kaligayahan."
Baha sa India
Tornado sa US
Sabi naman ni Maricar ng Cebu City: "Iyong baha sa India at tornado at baha rin sa States ay wake up call sa atin. Abusado talaga tayo."
Sabi naman ni Mel ng Fangyuan, Beijing: "Hi, Kuya Ramon! Pa-birthday mo na lang sa akin iyong sinasabi mong t-shirt. Buti ka pa nga, eh, naalala mo birthday ko."
Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Dapat maging thankful tayo kay Lord araw-araw sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
BEAUTIFUL SNOW
(PAN RONG)
Pan Rong at ang awiting "Beautiful Snow," na hango sa collective album na may pamagat na "Super Girls' Voice."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 2572397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |