|
||||||||
|
||
gnm20130707
|
July 7, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Dapat lang. At kung may problema man, lagi lang tatandaan: Huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Kung nakikinig sina Winnie at Ling Ling Hipolito ng New Manila, Quezon city, sana okay naman ang biyahe ninyo pabalik sa Pinas at sana nag-enjoy kayo ng inyong tour dito sa Beijing. We are looking forward to meeting you again sometime.
Ang magkapatid ay nasa construction business at nag-tour sila dito sa Beijing. Bumisita sila sa aming radio station last Thursday at nakapanayam namin sila. Nagkaroon din kami ng pagkakataon na maipakilala sila sa mga miyembro ng dalawang Filipino bands dito sa Beijing. Ang sarap nilang kasama. Nag-enjoy kami.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Chinese Delicacies, Type na Type ng mga Tagapakinig
Sabi ni Joy ng Muntinlupa, Metro Manila: "Marami-rami na rin akong alam na lutong Tsino pero gusto ko pa ring matuto ng mga iba pa. Kaya, sana i-resume ninyo ang pagsasahimpapawid ng inyong Cooking Show. Type ko ang mga putaheng Tsino lalo na iyong mga mula sa Mainland."
Facial Cosmetic Surgery, Bakit Nauuso?
Sabi naman ni Evelyn ng San Felipe, Zambales: "Malaya tayong gawin kung ano ang gusto nating gawin sa ating mga sarili. Pero, kung magpaparetoke tayo ng mukha, siguruhin natin na hindi natin kinokopya ang mukha ng iba o beauty ng iba. Panatilihin naman natin ang talagang hugis ng mukha natin."
Sabi naman ni Doris ng Lumban, Laguna: "Hindi lang ako nakikinig sa programa ninyo. Binibisita ko pa ang website ninyo. Iyan ay kasama sa regular kong gawain araw-araw. Talagang naglalaan ako ng oras para sa mga programa ng Serbisyo Filipino. Ganyan ako katapat sa serbisyo ninyo."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ."
MANG JOSE
(PAROKYA NI EDGAR)
Narinig ninyo ang Parokya ni Edgar sa kanilang awiting "Mang Jose," na lifted sa collective album na pinamagatang "Pinoy Play File."
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang lingo.
Sabi ni Mato ng Kahilom 2, Pandacan, Manila: "Siguro naman, Kuya Ramon, alam na alam ninyo riyan sa Serbisyo Filipino na 100 percent ang support ko sa inyong mga programa. Nakikinig ako umulan man o umaraw."
Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Okay lang, Kuya, kahit di ka maka-reply kaagad. Alam ko naman na marami kang sulat na sinasagot. "
Sabi naman ni Betsy ng Jiangguomen, Chaoyang District, Beijing: "Wala naming problema kung magpaayos ka ng mukha by operation. Basta huwag ka lang mangongopya ng mukha ng maymukha."
Sabi naman ni Lyn ng Angeles City, Pampanga: "Hi, Kuya Ramon! Natanggap ko na mga pictures na request ko. Ang gaganda talaga. Sana nga magbalik sa air ang Cooking Show ninyo at sana makapag-participate kami."
Sabi naman ni Liat ng Orani, Bataan: "Good A. M., Kuya Ramon! Thanks for the inspiring words last night. I had a very pleasant dreams."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
LOVE, LOVE, LOVE
(F. I. R.)
F. I. R. at ang awiting "Love, Love, Love," na hango sa album na pinamagatang "Unlimited."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |