Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-28 2013

(GMT+08:00) 2013-07-19 18:24:52       CRI

July 14, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Dapat okey, ha? At kung hindi man, kung may problema, laging tatandaan na huwag na huwag magpapatalo sa problema. Kayang kaya ninyo iyan!

Nanjing, Tsina

Kakuwentuhan namin noong isang gabi si Sharon, isang kababayan na matagal na ring namamalagi rito sa China. Naikuwento niya sa amin ang hinggil sa biyahe niya sa Nanjing. Sabi niya, hindi raw niya makakalimutan ang lunsod na ito. Malalim na malalim daw ang iniwan nitong impression sa kanya. Sabi niya, sa green na green na kapaligiran pa lang, malalasing na ang mga manlalakbay na magagawi rito. Buong pagmamalaking sinabi niya na karamihan sa mga residente ng Nanjing ay gourmet at sa lahat ng local food ng lunsod, ang roasted duck ang pinakapopular.

Siguro, sa ibang pagkakataon, pag medyo mahaba ang oras natin, ibabahagi ko sa inyo ang kabuuan ng kanyang salaysay hinggil sa Nanjing. Nakakatuwa naman...

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Talagang hindi matutuldukan iyong issue ng South China Sea hangga't hindi binabago ng mga kinauukulan natin ang kanilang attitude at kanilang paninindigan. Marapat lamang na magbalik na sila sa Asean Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea."

Sabi naman ni Lucas Baclagon ng Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia: "Dapat papurihan natin ang Philippine Embassy sa Beijing sa mga isinusulong niton proyektong kultural para magkaunawaan ang mga kababayan at mga Chinese sa isa't isa at para maging normal din uli ang relation ng Philippines at China."

Sabi naman ni Jess Tambo ng Baguio City, Mountain Province: "Bakit parang sunud-sunod naman ang mga aksidente sa mga eroplano at tren? Nagkakataon lang kaya? Lumiyab iyong tren sa Canada, bumagsak iyong Asiana Airline sa California, nagkaroon ng problema ang Ethiopian Airline sa Heathrow Airport. Ano ba iyan..."

Maraming salamat sa inyong mga mensahe.

EASY LOVE
(JACKY CHEUNG)

Narinig ninyo ang walang kasinlamig na tinig ni Jacky Cheung sa awiting "Easy Love," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Tunghayan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang linggo.

Sabi ng 906 201 1704: "Kuya Ramon, no worries. Lahat kami rito sa Bataan ay laging nakatutok sa Gabi ng Musika. Sino pa ba naman ang mag-aalalayan kundi tayu-tayo rin. Wishing you good health and peace of mind."

Chongqing-- Lunsod ng mga Burol ng Tsina

Sabi naman ng 919 564 9010: "Hi, Kuya Ramon! Nakapunta ka na ba sa Chongqing? Narinig ko kasi ang boss ko na ibinibida sa mga kaibigan niya ang Chongqing. May business prospect daw sila doon."

Giant Buddha sa Sichuan, Tsina

Sabi naman ng +86 138 114 09630: "Alam mo, Kuya Ramon, tatlong taon na ako sa China at marami-rami na rin akong napuntahang lugar. Ang pinaka-hindi ko makakalimutan ay iyong pagtapak ko sa paa ng Giant Buddha. Biruin mo, paa pa lang nagkasya kaming lahat e ang dami namin."

Sabi naman ng 915 807 5559: "Bukod sa mga pasahero ng Asiana Airline, isama din natin sa ating araw-araw na dasal ang mga biktima ng karahasan sa ilang magugulong lugar ng mundo. Napakarami niyon, hindi mabilang sa daliri."

Sabi naman ng 921 348 2588: "Sana hindi maputol communication natin on and off the air. Maganda kang kaibigan at maganda kang kausap. Enjoy akong makipag-correspond with you. Hindi ka long-winding."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

REFLECTION
(CHRISTINA AGUILERA)

Christina Aguilera at ang awiting "Reflection," na hango sa album na pinamagatang "Nobody Wants to be Lonely."

Ngayon, oras na naman para sa balitang artista. Super DJ Happy, pasok!

Salamat Super DJ.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section @yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang- sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>