Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-42 2013

(GMT+08:00) 2013-10-30 16:56:47       CRI

October 20, 2013 (Sunday)


Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp. Buksan natin ang ating munting palatuntunan sa isang maikling panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Cebu, Bohol at mga karatig na purok. Manalangin tayo…Panginoon, nananalangin kami na nawa'y makayanan ng mga kababayan sa nabanggit na mga lugar sa Kabisayaan ang kanilang pinagdadaanan. Sana'y maghilom kaagad ang sugat sa kanilang katawan, puso at damdamin na dulot ng nabanggit na lindol. Nananalangin kami sa ngalan ng iyong anak na si Hesus. Amen.

Sama-samang Magdasal para sa mga Biktima ng Lindol sa Cebu at Bohol

Ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina ay taos-pusong nakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi sa lindol sa Cebu at Bohol.

Serbisyo Filipino Taos-pusong Nakikiramay sa mga Biktima ng Lindol

Magandang gabi uli at kumusta sa inyong lahat. Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, gaya ng lagi kong sinasabi, labanan at problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Salamat kina Shawee ng Beijing, Joseph ng Maynila, Jolina ng Southern Leyte, Bernie Brown ng Maynila at Winston ng Paranaque. Natanggap ko na ang inyong mga mensahe at babasahin ko ang mga ito mayamaya.

Mga Mamamayang Lumikas pagkaraan ng pagyanig

Pakinggan ninyo ang Balitang Artista mamaya sa huling bahagi ng ating programa. Bukod sa latest chika, ibabahagi rin sa inyo ni Super DJ Happy ang kanyang kaalaman sa Philippine History. Mamaya iyan.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Mga Simbahang Historikal na Napinsala ng Lindol

Sabi ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Sa pamamagitan ng programa mo, Ka Ramon, ipinararating ko sa mga kababayan natin sa Cebu at Bohol ang pakikiramay ko sa kanila. Kahit malayo ako sa lugar nila, nararamdaman ko ang kanilang nararamdaman."

Sabi naman ni Mel ng Ermita, Manila: "Hindi na natin maibabalik ang pangyayari. Sana lang, makatulong ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno natin para maibsan ang mabigat na dalahin ng mga biktima ng lindol sa Cebu at Bohol."

Sabi naman ni Josie ng Lapu Lapu City, Cebu: "Salamat, Kuya Ramon. Makakarating sa lahat ang sinabi mo. Mahirap talaga lagay namin ngayon. Nawala iyong maliit na pinagkakakitaan namin ng ikabubuhay."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

MY FOOLISH HEART

(JOSE MARI CHAN)

Narinig ninyo si Jose Mari Chan sa kanyang sariling version ng awiting "My Foolish Heart." Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Love Letters and Other Souvenirs."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Ituloy natin ang pagbasa ng mga mensahe.

Sabi ni Shawee ng Fangyuan, Beijing, China: "Kuya Ramon, magkapit-kapit-kamay tayo at sama-samang magdasal para sa mga kapatid nating nabiktima ng super lindol sa Cebu at Bohol."

Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Iniisip ko, Kuya Ramon, kung paano mari-restore iyong mga historical churches at buildings na nasira sa lindol. Sana mapalabas pa nila iyong orihinal na porma ng mga ito."

Sabi naman ni Jolina ng Liloan, Southern Leyte: "Ang mahalaga, matulungan iyong mga tao na maipagawa iyong mga bahay nilang napinsala ng lindol. Maaring hindi totally nasira mga bahay nila pero baka malalaki ang mga damages."

Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "This is the best time para sa "Piso bawat Pilipino para sa biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. Malaking halaga rin malilikom sa dami ng mga Pilipino."

Sabi naman ni Winston ng Sucat, Paranaque: "Sana mabigyan ng government natin ng pansamantalang mapagkakakitaan iyong mga biktima ng lindol na nawalan ng trabaho. Marami rin kasing opisina at negosyo ang nasira, eh."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

SA TABI NG BUTTERFLY SPRING

(HUANG YALI)

Huang Yali at ang awiting "Sa Tabi ng Butterfly Spring," na hango sa album na may pamagat na "Bata."

Ngayon, pakinggan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok! Salamat, Super DJ!

At diyan nagtatapos ang edition sa araw ng ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo, an gaming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>