|
||||||||
|
||
October 27, 2013 (Sunday)
Kumusta ang Inyong Halloween?
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Happy birthday kay Jeffy Sumilhig ng Mandaue City, Cebu. Ipinaaabot ko ang pagbating ito sa ngalan ng CRI Serbisyo Filipino. Sana okay na kayo riyan sa Mandaue. God bless.
All Saints' Day, Araw ng Pagdalaw sa Puntod ng Yumao
Salamat kina Butch ng Zambales, Joseph ng Sta. Ana, Charlene ng Cavite, Jenny ng San Juan at Jane ng Saudi Arabia. Natanggap ko na ang inyong text messages at babasahin ko ang mga ito as we go along.
Anong say niyo, bukod sa latest chika, mayroon ding inihandang trivia si Super DJ Happy para sa ating lahat sa gabing ito; kaya, abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ng San Andres Boys ng San Andres, Manila: "Kuya Ramon, ipagdasal mo na maging successful ang Halloween party namin. Meron itong bayad, php 150. 70% ng ticket ay mapupunta sa mga biktima ng lindol sa Vizayas. Sana maubos lahat iyong tickets."
Sabi naman ni Carmi ng Balintawak, Lungsod ng Kalookan: "Malapit na ang All Saints' Day, Kuya Ramon. Nagbago na rin ang gawi ng mga tao dito sa atin pag sumasapit ang Undas. Umiiwas na sila sa makapal na tao kaya nagpupunta sila sa sementeryo para magtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak isa o dalawang araw bago o pagkatapos ng araw ng ito."
Sabi naman ni Marianne ng San Marcelino, Paco, Manila: "Si Mayor Joseph Estrada ay isang tunay na maginoo. Inaamin niya na may responsibilidad tayo sa pagkamatay ng mga turista na taga-Hong Kong sa naganap na hostage-taking. Papurihan natin siya."
Salamat sa inyong mga mensahe.
YOUR BACKPACK
(EASON CHAN)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Eason Chan sa awiting "Your Backpack," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Digital Life."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga mensaheng natanggap namin nitong nakaraang linggo.
Sabi ni Butch ng Subic, Zambales: "Natabunan na ang issue ng Syria at Syrian refugees ng issue ng U. S. surveillance and espionage. Mukhang inilalayo nila attention ng mga tao sa mga pangunahing issues."
Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Nagbigay ng tulong ang China at Germany sa mga mga biktima ng lindol sa Bohol, Cebu at mga kalapit na lugar. Sana makarating sa legitimate victims ang mga tulong."
Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Hindi na dapat pagtalunan kung nakakasama o hindi ang paggamit ng mobile phone o i-phone habang nagmamaneho ng sasakyan dahil talagang nakakasama."
Sabi naman ni Jenny ng Wack-Wack, San Juan: "Sana isa-alang-alang na ni Pangulong Aquino ang pagbabalik sa hapag ng talastasan ng Pilipinas at Tsina para malutas ang issue ng South China Sea."
Sabi naman ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Salamat sa dasal mo, Kuya Ramon, para sa mga biktima ng lindol. You bet, your prayer will work wonder sa kanila at hindi magtatagal magbabalik din sa normal ang buhay nila."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
DOO BIDOO
(KAMIKAZEE)
Kamikazee, sa sarili nilang version ng awiting "Doo Bidoo," na hango sa collective album na pinamagatang "The Best of Apo Hiking Tribute."
Ngayon, pakinggan naman natin ang trivia at latest chika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong
walang-sawang pakikinig. God bless.
>>> Blog ni Kuya Ramon
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |