Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-52 2013

(GMT+08:00) 2014-01-08 10:26:51       CRI

December 29, 2013 (Sunday)

Quote for the day: "The holiest of holidays are those kept by ourselves in silence and apart; the secret anniversaries of the heart."—Henry Wadsworth Longfellow

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Talagang napakabilis ng araw. Magtatapos na naman ang taon. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Umiwas sa Paputok

Nakapamili na ba kayo para sa medya notse? Marami ba kayong ini-expect na bisita? Kumpleto ba ang mga miyembro ng pamilya? Gusto ko kayong paalalahanan na, sa inyong pagsasaya, iwasan sana ninyo ang paputok. Huwag na kayong mag-aksaya sa pagkain sa paputok. Disgrasya lang ang aabutin ninyo riyan.

In the spirit of the New Year, gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga nagtataguyod sa aming mga programa, lalung-lalo na sina Mareng Gina ng Baclaran, Edith ng Taytay, Rizal; Aileen ng V. Luna, Quezon City; Melvin ng Taguig, Metro Manila; Jenny ng Wack-Wack, San Juan; at Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila.

Sabi ni Edward ng United Paranaque: "Kuya Ramon, wala akong New Year's resolution ngayong taon kasi hindi ko naman natutupad ito. Noong isang taon, ipinangako ko sa sarili ko na titigil na ako sa paninigarilyo pero hindi ko rin natupad. Gagawin ko na lang ang lahat ng magagawa ko para baguhin ang mga bagay na dapat kong baguhin at iwasan ang dapat iwasan."

Sabi naman ni Celesti ng Kowloon, Hong Hong: "Ang wish ko lang para sa 2014 ay mabawasan ang mga kaguluhan at kapahamakan sa mundo at makapagpatayo kaagad ng mga bahay iyong mga nawalan ng bahay sa bisaya dahil sa bagyo. Wish ko rin na makapagtrabaho iyong mga walang trabaho at nawalan ng trabaho."

Sabi naman ni Jocelyn ng Mandaluyong City, Metro Manila: "Manigong Bagong Taon sa Serbisyo Filipino. Sana ipagpatuloy pa ninyo ang paggawa ng mga programang nakakalibang sa amin at kinapupulutan namin ng magagandang aral."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe. Manigong Bagong Taon.

BECAUSE OF LOVE

(FAYE WONG)

Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Faye Wong sa kanyang awiting "Because of Love," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Wish."

Bigyang-daan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Divine ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Merry Christmas belated at Happy New Year, Kuya Ramon! Binabati ko kayo sa inyong matagumpay na fund-raising drive para sa mga binagyo sa Kabisayaan!"

Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Binabati ko kayong lahat diyan ng happy New Year! Ano ba ang handa natin diyan sa media noche? Alam kong mamamantikaan ang nguso ninyo sa pagsapit ng Bagong Taon."

Sabi naman ni Claire ng Pulong Bulo, Angeles City, Pampanga: "Happy New Year and peace be with you, Kuya Ramon. Wish ko lang na sana magkaroon kayo ng peace of mind at ng peaceful working environment sa 2014."

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Tama kayo, Kuya Ramon. Puwede tayong magsaya sa Bagong Taon kahit walang paputok. Magpatugtog na lang tayo ng malakas na music o dumampot ng mga kaldero."

Sabi naman ni May ng San Juan, Metro Manila: "Yours is the sweetest and coolest sounds I've ever heard. Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa inyong lahat. God bless you all!"

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

THE WONDER OF XIN JIANG

(DAO LANG)

Iyan naman si Dao Lang sa awiting "The Wonder of Xin Jiang," na buhat sa kanyang album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

Nagtatanong si Mareng Gina ng Baclaran kung ano raw sa Chinese iyong adobong manok.

Alam mo, mare, medyo mahirap i-translate sa Chinese iyang adobong manok kasi very Filipino. Maski iyong mga Chinese, kung pag-uusapan nila iyang adobong manok, iyan na rin ang term na gagamitin nila riyan. Lahat naman ng lengguwahe may ganyan. Meron ding mga salitang Chinese na talagang very Chinese kaya hindi natin mai-translate sa Filipino. Pero iyong tinatanong mong translation ng talong, ampalaya, ube at gabi ay mayroon. Ang talong ay qiezi, ang ampalaya ay kugua, ang ube ay shu at ang gabi ay yutou.

Para sa iyo, Mare, magbibigay pa ako ng translation ng mga iba pang pangalan ng gulay next time. Thank you, Mare. Happy New Year.

MESS

(DAVID TAO)

David Tao sa kanyang awiting "Mess." Ang track na iyan ay hango sa kanyang album na pinamagatang "David Tao 69."

Huwag ninyo akong tatanungin kung bakit "Mess" ang pamagat ng kantang iyan dahil hindi ko alam. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. HAPPY New Year and God bless…

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>