Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Una 2014

(GMT+08:00) 2014-01-15 09:56:42       CRI

January 5, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."--Lao Tzu

Kumusta na? Ok lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problemang iyan. Kayang-kaya ninyong igupo iyan.

Salamat kina Edith ng Taytay, Rizal; Isko ng Lemery, Batangas; Brenda Lim ng Kawit, Cavite; Mel ng Beijing, China; at Pom ng Sta. Ana, Manila. Natanggap ko na ang inyong mga SMS at babasahin ko ang mga ito maya-maya.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Year of the Horse

Sabi ni Francis ng B. F. Homes Paranaque: "Sabi nila ang 2014 daw sa Chinese lunar calendar ay Year of the Horse. Wish ko lang na sana makuha ninyo ang lakas, sigla at bilis ng kabayo para mabilis din ninyong matamo ang mga hinahangad ninyo sa buhay."

Pista ng Tatlong Hari

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Masayang Araw ng Tatlong Haring Mago, Kuya Ramon! Ang pagdalaw ng Tatlong Hari kay Jesus at pagbibigay ng mga regalo ay nagpapakita kung gaano ka-importante si Jesus sa atin at gaano kahalaga ang kanyang pagsilang."

Sabi naman ni Bro. Felix ng Methodist Church Manila: "Sana tularan natin ang ating Savior. Siya ay naparito para maghatid ng kapayapaan sa ating lahat. Simulan natin ang pagpapalaganap ng kapayapaan at simulan natin ito sa ating mga puso at isip."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe…

WISHING UPON A FALLING STAR
(JACKY CHEUNG)

Narinig ninyo si Jacky Cheung sa awiting "Wishing upon a Falling Star," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan naman natin ang ilang text messages.

Singing Contest ng Serbisyo Filipino

Sabi ni Edith ng Taytay, Rizal: "Okay na okay iyong paligsahan niyo sa pagkanta, Kuya Ramon. Neck to neck ang laban. Siyempre, isa lang ang dapat manalo."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Year of the Horse daw tayo, Kuya Ramon. Sana sinlakas ng sipa ng kabayo at sintaas ng igpaw nito ang pagsulong ng ekonomiya natin sa 2014."

Sabi naman ni Brenda Lim ng Kawit, Cavite: "Let there be love, let there be hope, let there be peace on earth! Sana ngayong 2014 mahinto na ang pagbabangayan at ang lahat ay matutong mag-unawaan at magmahalan!"

Sabi naman ni Mel ng Beijing, China: "Miss ko na ang Cooking Show niyo, Kuya Ramon! Nahinto tuloy pag-aaral ko ng pagluluto ng Chinese recipes. Kelan ba ito magbabalik sa air? Sana malapit na."

Sabi naman ni Pom ng Sta. Ana, Manila: "Mas maganda pala kung mahaba ang Sunday program mo. Mas marami kang napapatugtog na music at hindi rin kailangang putulin ang mga pinatutugtog na kanta."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

DAWN
(NAN QUAN MAMA)

Iyan naman ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Dawn," na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Ano sa Chinese ang spinach? karot o carrot? labanos o raddish? kamatis o tomato? at sibuyas o onion? Sana nakikinig si Mareng Gina. Mare, para sa iyo rin ito.

Ang spinach ay bochai, ang karot ay huluobo, ang labanos ay luobo, ang kamatis ay xihongshi, at ang sibuyas ay yangchong.

Gusto kong bigyan ng credit si Mareng Gina kasi siya ang nagbigay sa akin ng idea ng pagta-translate ng mga pangalan ng gulay. Salamat uli, Mare.

ROAMING AND MAPPING
(SUN YAN ZI)

Sun Yan Zi, sa awiting "Roaming and Mapping," na buhat sa collective album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. Happy Three Kings and God bless…

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>