Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-6 2014

(GMT+08:00) 2014-03-05 10:25:23       CRI

February 9, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "A loving heart is the source of all knowledge."--Thomas Carlyle

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang salin sa wikang Tsino ng mga pangalan ng mga pangunahing sangkap ng pagkain plus SMS, e-mails at snail mail mula sa mga tagapakinig. Kaya huwag ninyong hahayaang nag-iisa ang inyong loving DJ dito sa Gabi ng Musika atbp.

Lao Tzi--stone sculpture ni Lao Tzi sa Bundok ng Shenglian sa Beijing

Sabi ni Manuela ng Bel-Air Makati City: "Salamat, Kuya Ramon, sa book hinggil sa works ni Lao Zi. Very interesting iyong book at marami akong natutuhan sa philosophy ni Lao Zi. Nandun din iyong tinatawag na "do nothing philosopy," na ginagamit ng mga Chinese business people kaya successful sila sa kanilang negosyo."

Sabi naman ni Elsa ng Olongapo City: "Hi, Kuyang! Enjoy na enjoy ako sa pagluluto ng mga padala mong Chinese recipes. Ang pinipilit kong ma-master sa ngayon ay iyong Straw Mushrooms and Leaf Mustard. Oras na maperpek koi to, ipapatikim ko kaagad sa mga friends ko. Salamat sa recipe."

Salamat din sa inyo, Manuela at Elsa. God bless…

FLOWER IN GREEN
(Fish Leong)

Iyan, narinig ninyo si Liang Jing Ru sa kanyang awiting "Flower in Green," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TEXT MESSAGES
(CIELO)

Bigyang-daan natin ang ilang text messages…

Sabi ng +63 921 257 6634: "Kumusta naman kayo jan, Kuya Ramon? Ok lang kami rito at maski trabaho ko sa insurance company. Tulog ka nang maaga at uminom ng maraming gatas."

Paggamit ng Mobile Phone habang Nagmamaneho, Peligroso

Sabi naman ng +86 138 1140 9630: "Bakit nga ba iyung iba e gumagamit ng mobile phone habang nagmamaneho? Hindi ba nila naiisip na malaking peligro yun di lang sa kanila kundi pati sa ibang motorista?"

Sabi naman ng +63 917 466 2270: "Hindi imposible na makamtam mo ang lahat ng kahilingan mo sa buhay sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin. Marami akong experience diyan, eh. Ang kailangan lang bigyan mo ng quality time si Lord."

Sabi naman ng +63 917 563 1184: "Salamat, Kuya Ramon, sa pagbibigay mo ng oras sa amin. Alam namin na bising-busy ka pero nagagawa mo pa ring makinig sa mga hinaing namin. Ibang-iba ka talaga kaya kuya ka ng bayan."

Sabi naman ng +86 134 2637 7760: "Happy belated Spring Festival, Kuya Ramon. Hindi ba meron pang kasunod ang Spring Festival at yun ang culmination ng celebration ng Chinese Lunar New Year? Parang Three Kings sa atin, ano? Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

I'M THE VOICE OF A SUPER GIRL
(SHAO YUHAN)

Xiao Yuhan at ang awiting "I'm the Voice of a Super Girl," na buhat sa album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Ngayon, punta na tayo sa translation ng mga pangunahing sangkap ng pagkain. Narito ang ating Chinese language teacher, ang walang kasing-ganda at walang kasing-yuming si Cielo…

TRANSLATION
(CIELO)

Hello sa inyo, friends! Ito si Cielo at ngayong gabi pag-aaralan natin ang translation ng iba pang sangkap ng pagkain na madalas natin ginagamit sa pang-araw-araw na pagluluto. Alam ba ninyo kung ano sa Chinese ang toge o mung bean sprout? abitsuwelas o kidney beans? kangkong o water spinach? gisantes o green peas? at toyo o soy sauce? Ang toge o mung bean sprout ay lu douya, l-u-d-o-u-y-a, lu douya; ang abitsuwelas o kidney beans ay sijidou, s-i-j-i-d-o-u, sijidou; ang kangkong o water spinach ay kongxincai, k-o-n-g-x-i-n-c-a-i, kongxincai; ang gisantes o green peas ay gingdou, q-i-n-g-d-o-u, qingdou; ang toyo o soy sauce ay jiangyou, j-i-a-n-g-y-o-u, jiangyou.

Uulitin ko. Ang toge ay lv douya; ang abitsuwelas ay sijidou; ang kangkong ay kongxincai; ang gisantes ay qingdou;t ang toyo ay jiangyou.

Okay, hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito.

Itong muli si Cielo at bye bye for now…

DIGITAL LIFE
(EASON CHAN)

Eason Chan sa awiting "Digital Life." Ang track na iyan ay lifted sa album na may katulad na pamagat.

Mayroon ditong SMS mula sa 906 522 9981. Sabi: "Sino si loving DJ sa akin? Siya ang tenga ng mga ayaw pakinggan, / kaibigan ng mga nilalayuan at iniiwasan, / respirator ng mga mabibigat ang dibdib / at anghel na hulog ng langit."

Thank you so much for the compliment. Salamat talaga.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number,(Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>