Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-9 2014

(GMT+08:00) 2014-03-14 15:44:51       CRI

March 2, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Erich Fromm

Quote for the day: "Immature love says: `I love you because I need you.' Mature love says: `I need you because I love you.' "--Erich Fromm

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Bukod sa mga piling awitin at mga SMS, e-mail, at snail mail mula sa mga tagapakinig, tampok rin sa programa ngayong gabi ang translation sa Chinese ng mga pangalan ng paborito ninyong mga prutas; kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na tatlumpung minuto.

Bigyang-daan natin ang mga e-mail nina Erwin ng Batangas City at Wilbert ng Adonis, Pandacan, Manila.

Sabi ni Erwin: "Naniniwala ako na lumalago ang ating ekonomiya. Pero, sa kabila nito, marami pa rin ang walang trabaho at parami nang parami ang mga kababayan na nagpupunta sa abroad, sa anumang kaparaanan, para magtrabaho. Sana, kasabay ng paglago ng ating ekonomiya, ma-address ng ating mga kinauukulan ang issue ng kawalan ng trabaho."

Sabi naman ni Wilbert: "Nakakadismaya naman yung ipinalabas ng US na human rights record ng mahigit 200 bansa. Bakit ganoon? Hindi ba ang Amerika mismo ay maraming human rights violations? Sana naman huwag magbulagbulagan ang Amerika sa sarili nitong aksiyon ng paglapastangan sa karapatang pantao."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe, Erwin at Wilbert.

I HAVE A DREAM
(NANA MOUSKOURI)

Narinig ninyo ang awiting "I Have a Dream," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Nana Mouskouri. Ang track na iyan ay lifted sa collective album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TEXT MESSAGES
(CIELO)

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ating textmates.

Sabi ng +63 921 577 9195: "Hi, Kuya Ramon! Tapos na ba ang honeymoon ni Super DJ Happy at ng Gabi ng Musika? Anong nangyari? Bakit di na namin siya naririnig?"

Iwasan ang Digmaan; Iwaksi ang Karahasan

Sabi naman ng +63 917 466 2270: "Korek na korek ka jan, Kuya Ramon! Sa gera, walang panalo. Lahat ay talo. Kaya dapat gamitin lahat ng available options para maiwasan ito. Iwasan ang digmaan. Iwaksi ang karahasan."

Negosyong O2O

Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Tingnan mo nga naman ang suwerte ng tao. Batang-batang naging milyonarya ang nakaisip ng negosyong O2O. Talaga naman kahit saang enterprise may suwerte at may malas."

Sabi naman ng +63 928 442 0119: "Tama sabi ni Kuya Kim. Ang buhay ay Weather-weather lang. Kaya naman weather-weather lang ang nananalasa sa atin sa loob ng isang taon. Ilang bagyo ba dumadaan sa Pinas taun-taon?"

At sabi naman ng +49 242 188 210: "Super gandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon! Patugtog naman ng Someday by Joy Enriquez, I Turn to You by Christina Aguilera at Knockin' on Heaven's Door by Avril Lavigne. Thanks nga pala sa Christmas gift. Sa susunod na lang ang kapalit, hehehe…"

Many, many thanks sa inyong mga mensaheng SMS.

PLAY WITH ELVA
(DAVID TAO)

Iyan naman ang "Play with Elva," inawit ni David Tao at hango sa album na pinamagatang "David Tao 69."

Ngayon, ipagpatuloy naman natin ang translation ng mga paborito nating prutas. Narito ang ating Chinese language teacher, ang walang kasimbangong si Cielo…

TRANSLATION
(CIELO)

Good evening, friends! Ito si Cielo at, this evening, itutuloy natin ang pagta-translate ng mga pangalan ng paborito ninyong mga prutas.

Noong nakaraan, nalaman ninyo na sa Chinese ang saging ay xiang jiao; ang mansanas ay pingguo; ang ubas ay putao; ang milon ay migua; at ang pakwan ay xigua.

This time, ang pinya, papaya, durian, strawberry at buko naman ang ita-translate natin.

Ang pinya ay boluo, b-o-l-u-o, boluo; ang papaya ay mugua, m-u-g-u-a, mugua; ang durian ay liulian, l-i-u-l-i-a-n, liulian; ang strawberry ay caomei, c-a-o-m-e-i, caomei; at ang buko ay yezi, y-e-z-i, yezi.

Uulitin ko. Ang pinya ay boluo, boluo; ang papaya ay mugua, mugua; ang durian ay liulian, liulian; ang strawberry ay caomei, caomei; at ang buko ay yezi, yezi.

Sana natandaan ninyong lahat ang mga bagong salitang natutuhan ninyo ngayong gabi. Itong muli si Cielo. Bye bye for now…

SOLITAIRE
(SISSEL)

Mula pa rin sa album na "Closer: When Pop Meets Jazz," iyan ang "Solitaire," sa sariling version ni Sissel.

Gusto kong pasalamatan ang mga sumusunod sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa programa at blog ng inyong lingkod: Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch; Manny ng manny_feria@yahoo.com; Dr. George ng George_medina56@yahoo.com; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Poska ng poskadot610@hotmail.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; at Carol ng carolnene.edwards@gmail.com. Sana hindi kayo magsawa ng pakikinig at pagsulat sa amin.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397 o 0947 287 1451.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>