Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-11 2014

(GMT+08:00) 2014-04-07 20:22:06       CRI

March 16, 2014 (Sunday)

Quote for the day: "A true friend never gets in your way unless you happen to be going down."—Arnold H. Glasow

Arnold H. Glasow

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool!

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod sa tatlumpung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Hindi ko malaman kung ano na ang nangyayari sa mundo. Parang kahit saan mo idako ang paningin mo, wala kang makikita kundi gulo—demonstrasyon, rally, karahasan, digmaan at kung anu-ano pa. Kulang na kulang talaga tayo sa pasensiya at ang masama pa parang wala na tayong pagpapahalaga sa buhay ng tao."

Sabi naman ni Cindy ng R. R. Landon Extension, Cebu City: "Sa tingin ko tayo ang may pinakamahal na presyo ng koryente sa lahat ng bansa sa daigdig. Ito ang malaking pahirap sa atin at sa ating mga negosyo. Sana magawan nila ng paraan na mapababa ang singil sa koryente para mabawasan naman ang bigat ng ating pasanin."

Salamat sa inyong mga mensahe, Merry Jeanne at Cindy.

I DON'T WANNA TALK ABOUT IT

(EVERYTHING BUT THE GIRL)

Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, awiting pinamagatang "I Don't Wanna Talk about It," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng "Everything but the

Girl." Ang track na iyan ay lifted sa collective album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng ilan nating textmates.

Sabi ng +1 713 240 7992: "Iyong salitang 'hoy' ay hindi lang salita ng mga Pilipino. Iyon ay ginagamit din ng mga tao na mula sa Spanish speaking countries. Kaya hindi iyon puwedeng stereotype para sa mga Pilipino."

Sabi naman ng +63 917 466 2270: "Sana mapigilan ng international community ang paglala ng situation sa Ukraine. Delikado kasi iyon, eh. Pwedeng kumalat ang gulo oras na mawala sa kontrol ang situation doon."

Sabi naman ng +63 910 921 7733: "Bakit nawala na ang mga jokes ninyo sa inyong programa? Maganda yun, ah. Sana ibalik ninyo yun sa air dahil makakadagdag din yun sa ganda ng inyong mga programa. Maganda kasi ang pagkakagawa ng mga jokes ninyo."

Sabi naman ng +86 135 647 55772: "Sana matuloy na ang Cooking Show ninyo sa radio. Matagal na naming hinihintay ito. Kami nga ang number one fans ng show na 'to. Talagang matagal na naming hilig ang pagluluto kaya enjoy kami ng pakikinig sa ganitong programa."

Sabi naman ng +63 915 807 5559: "Kuya Ramon, TY uli. Natanggap ko na iyong CD music mo. Ginamit namin noong mag-celebrate ng kompleanyo iyong isang pamangkin ko. Marami ngang nagkagusto. Salamat talaga."

Many, many thanks sa inyong mga text messages.

THE TASTE

(JACKY CHEUNG)

"The Taste," inawit ni Jacky Cheung at hango sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"

Ngayon, alamin naman natin kung ano ang ating hapunan sa gabing ito. Narito ang ipinagmamalaki nating cook, ang walang kasing-sarap maglutong si Cielo.

Good evening, friends. Itong muli si Cielo at this time ipapatikim ko sa inyo ang isang

Chinese dish na kung tawagin sa Ingles ay Straw Mushrooms and Leaf Mustard.

Straw Mushrooms and Leaf Mustard

Okay, ready? Narito ang mga rekado:

150 grams ng straw mushrooms na nasa lata

150 grams ng leaf mustard

50 grams ng peanut oil

2 grams ng asin

10 grams ng shaoxing wine

2 grams ng asukal

75 grams ng soup-stock

10 grams ng mixture ng cornstarch and water at

2 grams ng sesame oil

Ngayon, punta na tayo sa paraan ng pagluluto:

Hugasan ang leaf mustard at putulin doon sa puno ng ugat.

Mag-init ng mantika sa kawali at ihulog ang leaf mustard. Baligtarin ang dahon

hanggang maging dark green tapos alisin.

Magbuhos ng 15 grams ng soup-stock sa kawali tapos lagyan ng asin, 5 grams ng

shaoxing wine at asukal tapos ilagay uli ang leaf mustard. Igisa bago isalin sa plato.

Magbuhos ng 60 grams ng soup-stock sa kawali at pagkatapos isunod ang 5 grams ng

shaoxing wine, 1 gram ng asin at ang straw mushrooms. Pakuluin. Lagyan ng

kaunting mixture of cornstarch and water para lumapot ang soup. Wiligan ng

kaunting sesame oil at ilagay sa ibabaw ang lutong leaf mustard.

Sana nag-enjoy kayo sa ating menu for the day. Bona appetit!

BIRTHDAY SONG

(DON MCLEAN)

Iyan naman ang "The Birthday Song" ni Don Mclean. Ang track na iyan ay bahagi ng album na pinamagatang "Don Mclean's Greatest Hits."

Mayroon ditong e-mail si Malou ng La Consolacion College Manila. Sabi: "Kumusta kayo, Kuya Ramon. Nagustuhan ko iyong topic ninyong corruption sa inyong programang Pag-usapan Natin. Itong issue na ito ay laging mainit dahil halos lahat ng bansa meron nito. Mahirap talagang masugpo ito pero sana, lalo na dito sa awitin, mabawasan man lamang ito. Naalala mo ba yung sinasabing "Moderate your greed"? Sana ganun dito sa atin.

Salamat sa iyong e-mail, Malou. Magkapareho tayo ng opinion. Talagang mahirap masugpo ito pero sana huwag naman maging talamak.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Gabi ng Musika atbp. para sa gabing ito.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy), 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>