|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng Tsina ang mga hamon sa loob at labas na bansa, na gaya ng hidwaang panghanggahan sa mga karatig na bansa, alitan ng kalakalang panlabas, terorismo, at pag-unlad ng kabuhayan. Samantala, isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para lutasin ang nabanggit na mga isyu, pero mukhang hindi maayos ang resulta ng naturang mga hakbangin.
Kaya para sa mga mamamayang Tsino, gusto nilang malaman kung ano ang aktuwal na kalagayan na kinakaharap ng Tsina. Sa kabilang dako, ang mga hakbangin ng pamahalaang Tsino ay nagdulot ng pagkabahala ng mga karatig na bansa, dahil walang maliwanag na target at palatandaan ang mga ginagawang hakbangin ng Tsina.
Kaugnay nito, isinapubliko nitong ika-6 ng Mayo ng Centre for International Strategy and Security Studies ng University of International Relations ang Blue Book of National Security: Annual Report on China's National Security Studies (2014). Sa katotohanan, ito rin ang kauna-unahang blue paper hinggil sa kalagayan ng national security ng Tsina.
Ang naturang ulat ay naghatid ng mga hamon na kinakaharap ng Tsina sa loob at labas na bansa na gaya ng teroristmo, hanap-buhay, katatagan ng lipunan, kaligtasan ng pulitika, pagkain at kapaligiran, kompetisyong pandaigdig sa pagitan ng mga malalaking bansa, patakaran na nakatugon sa Amerika, Rusya at Unyong Europeo, at hidwaang panghanggahan.
Noong dati, ang mga suliraning panloob at panlabas ng Tsina ay palagiang hinawakan sa mga magkahiwalay na paraan at mahinahon ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa pagitan ng naturang mga paraan. Pero sa naturang ulat, ang mga isyung panloob at panlabas ng Tsina ay kauna-unahang isinailalim sa isang sistema para komprehensibong lutasin. Bukod dito, nagkaloob ang naturang ulat ng mga mungkahi para sa pagtakda ng pamahalaan ng mga patakaran at katugong hakbangin.
Sa kabilang dako, ang mga mungkahi na iniharap sa naturang ulat ay hindi angkop sa mga umiiral na patakaran ng pamahalaang Tsino. Sa isyu ng hanap-buhay, ang kasalukuyang patakaran ay pagluluwag sa limitasyon sa panganganak ng mga ina ng ikalawang anak para panatilihin ang sapat na bilang ng mga lakas-manggagawa.
Pero ipinalalagay ng naturang ulat na, ang pangunahing problema sa isyu ng hanap-buhay ay nagmula sa estruktura ng lakas-manggagawa, ibig-sabihin, kulang sa bilang ng mga maggagawa na marunong sa mga bokasyonal na kahusayan.
Sa aspektong diplomatiko, ipinalalagay ng naturang ulat na magiging mas malakas ang impluwesiya ng relasyon sa pagitan ng mga malalaking bansa sa kalagayang panloob ng Tsina, kaya kumakatig ang naturang ulat sa alyansa ng Tsina at Rusya, at pagpapahigpit ng relasyon nito sa EU para makabalanse ng katayuan ng Tsina sa relasyong Sino-Amerikano.
Kaya, ang nabanggit na mungkahi sa ulat ay nagkakaiba sa tradisyonal na prinsipyo ng diplomasyang Tsino na pagbuklurin ang mga umuunlad na bansa at hindi isagawa ang alyansa sa anumang bansa.
Walang duda, ang naturang ulat ay isang dokumento lamang sa kasalukuyan, samantala, ito ay nakakatugon sa kahilingan ng mga Tsino sa pagkaalam ng pangkalahatang kalagayan ng bansa. Para sa mga dayuhan naman, ito rin ay nagkakaloob ng plataporma para maunawaan nila ang target at palatandaan ng mga patakaran ng pamahalaang Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |