|
||||||||
|
||
Ayon sa komentaryo ng People's Daily, opisyal na pahayagan ng CPC, si Zhou ay itinuturing na kinatawan ng mga grupong may personal na interes. Siya di-umano ang nakikipagsabwatan upang magkamit ng "kapangyarihan at salapi," hadlangan ang reporma at pinsalain ang usaping sosyalista ng CPC at Tsina.
Si Zhou ay isinilang sa lalawigang Jiangsu noong Disyembre ng taong 1942. Mula taong 2007 hanggang taong 2012, nanungkulan siya bilang Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo at Kalihim ng Political and Legislative Affairs Committee (PLAC) ng Komite Sentral ng CPC.
Noong panahong iyon, maimpluwensiya si Zhou sa mga suliraning panloob dahil siya ang namumuno sa state security, courts, police at paramilitary sa buong bansa. Kaya siya rin ay naging pinakamataas na opisyal sa kasaysayan ng CPC na nadawit sa korupsyon.
Nauna rito, nanungkulan siya minsan bilang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, Chief Officer ng CPC sa lalawigang Sichuan, Ministro ng Land and Resources, at Puno ng China National Petroleum Corp.
Tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang target ng pagpawi sa korupsyon ay nakatuon, hindi lamang sa mga "flies" (minor officials), kundi maging sa mga "tigers" (senior officials), ang kaso ni Zhou ay nagpapakita ng determinasyon ng CPC sa pagpawi ng korupsyon, at pagsisikap upang ayusin ang asal ng mga nasa kapangyarihan at mahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng partido.
Pero sa kabilang dako, ang kasong ito ay nakakapinsala rin sa imahe ng CPC, sa kaisipan ng mga karaniwang mamamayang Tsino. Si Zhou minsan ay isa sa liderato ng CPC at kataas-taasang opisyal na namamahala sa seguridad na pampubliko at hustisya.
Bukod dito, kahit itinakda ng CPC ang komprehensibong sistema na kinabibilangan ng mga mahigpit na tadhana at espesyal na departamento para mapigilan at mapawi ang korupsyon, ang kaso ni Zhou ay may kinalaman pa rin, hindi lamang sa kanyang sarili, kundi sa kanyang buong pamilya, mga kamag-anak, at mga dating katrabaho.
Kaya ang kanyang kaso ay madaling nagdulot ng pagdududa at pagpuna sa sistema ng CPC sa pagpili at paghirang ng mga opisyal, at pagsusuperbisa sa kapangyarihan ng mga opisyal.
Samantala, ang kasong ito ay nagpapatunay na ang korupsyon ay malaking banta para sa CPC at buong bansa. Binigyang-diin minsan ni Xi na ang korupsyon ay magdudulot ng pagbagsak ng CPC at Tsina.
Noong 2013, 182,000 opisyal ng Tsina ang pinarusahan ng CPC. At 23,000 sa kanila ay inakusahan ng korupsyon.
Mayroong pagtaya kung sinong mataas na opisyal ang aakusahan pagkatapos ni Zhou. Pero para sa CPC, ang mas mahalaga ay aktuwal na pagpapatingkad ng papel ng mga itinakdang tadhana at departamento, para mapigilan ang korupsyon at mapatatag ang pagtitiwala ng mga mamamayang Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |