|
||||||||
|
||
February 1, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "No one has ever become poor by giving."-- Anne Frank
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon. Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool...
Pati pala iyong kaibigan naming banda na tumutugtog sa Maggies dito sa Beijing ay papauwi na rin. Nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan iyong management at iyong agent na naglalakad ng kanilang papers. Siyempre iyang mga banda may mga papel iyan na nilalakad ng agent. Sayang dahil mayroon na rin silang following doon. Maraming naghahanap sa kanila dahil mahusay naman talagang tumugtog. Anyway, good luck sa inyo, mga pards. Sana makakita kaagad kayo ng panibagong booking.
Iyong Xiamen Airlines magkakaroon na raw ng direct flight from Xiamen to Manila at Manila to Xiamen simula ngayong buwan. Okay iyan para doon sa mga taga-Xiamen na gustong magpunta sa Pilipinas para mag-tour at sa mga iba pang kadahilanan. Kasi dati naghihintay lang sila ng eroplano na nagmumula sa Beijing at dumadaan ng Xiamen at doon sila sumasakay.
Ilang piling mensahe.
Sabi ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Lagi kong pinakikinggan podcast niyo, Kuya Ramon. Gustung-gusto ko iyong tungkol sa mga pelikulang Chinese, tungkol sa mga Pilipino na nasa China at tungkol sa Chinese art. Meron ba kayong special program para sa Chinese New Year?"
Siyempre mayroon. Abangan mo lang ang announcement namin, ha?
Sabi naman ni Stephanie Lim ng C.M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Pinadalhan mo ng Great Wall t-shirt ang friend ko. Sana mapadalhan mo rin ako kasi gusto ko iyong t-shirt na iyon dahil magandang souvenir mula sa inyo at talagang mula sa China."
Sige, sa isang linggo magpo-post uli kami ng mga t-shirt. Hintay-hintay ka lang, ha?
Salamat sa iyong mensahe, Stephanie at ganoon din sa iyo, Pat.
I'LL BE THERE
(THE JACKSON FIVE)
Iyan, narinig ninyo ang awiting "I'll Be There" ng the Jackson Five. Ang track na iyan ay lifted sa album na may simpleng pamagat na "the Third Album."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.
Sabi ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan: "Kami naman, Kuya Ramon, ay taos-pusong nakikiramay sa pami-pamilya ng mga nasawi nating kapulisan. Sana malampasan kaagad nila ang krisis na ito."
Sabi naman ni Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore: "Sana matukoy kaagad kung sino ang nagkamali kaya humantong sa trahedya ang legal mission ng SAF sa Mindanao."
Sabi naman ni Shawee ng Fangyuan, Beijing, China: "Let's join our hands together and pray for the eternal repose of the souls of our brave police officers."
Sabi naman ni Edwin ng Pulang Lupa, Las Pinas: "Magandang balita: 6.9% ang growth rate ng Philippines nitong nagdaang huling tatlong buwan. Sana maramdaman naman natin ang paglago ng ating ekonomiya."
Sabi naman ni Marife ng R.R. Landon Extension, Cebu City: "Sana. next time, magpatugtog ka naman ng Paul Williams, Seals and Croft, Neil Young at America. Iyan ang mga favorite ko from the good old days."
Thank you so much sa inyong mga SMS.
PUSONG SUGATAN
(SAMMI CHENG)
Iyan naman ang "Pusong Sugatan," na inawit ni Sammi Cheng at hango sa album na may pamagat na "Shocking Pink."
At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Beef with Snow Peas...
BEEF WITH SNOW PEAS
Mga Sangkap:
500 grams ng flank stake
1 itlog (puti lang ang gagamitin)
3 kutsara ng soy sauce,
1 kutsara ng cornstarch
7-8 onsa o ounces ng sariwang snow peas
1 tasa ng vegetable oil)
1 kutsarita ng luya (tinadtad)
1/2 kutsarita ng granulated sugar
Paraan ng Pagluluto:
Hiwa-hiwain nang maninipis ang flank stake sa mga pirasong may habang 4-5 sentimetro. Ilagay ang puti ng itlog at ang cornstarch tapos lagyan ng 1 kutsara ng soy sauce. I-marinate sa loob ng 15 minuto.
Pakuluan ang snow peas hanggang maging bright green. Ilubog sandali sa malamig na tubig tapos patuluin nang mabuti.
Ilagay ang isang tasa ng vegetable oil sa kawali tapos ihulog ang beef at iprito hanggang maging kulay brown. Hanguin ang beef at patuluin sa paper towels. I-serve kasama ng snow peas.
Kung mayroon kayong mga katanungan o mga suggestion, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. At magpapatuloy tayo...
ARE WE STILL IN LOVE?
(JACKY CHEUNG)
Mula sa album na may pamagat na "Are You in Love?" iyan ang awiting "Are We Still in Love?" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jacky Cheung.
Sabi ni Cynthia Abad ng Shunyi, Beijing, China, marami na raw siyang alam na lutong Chinese. Ngayon daw, parang mechanical na lang sa kanya ang pagluluto at nagagawa pa niyang i-modify iyong mga recipe na ibinabahagi namin. Iyon ay after three months ng pag-aaral.
Magandang balita iyan, Cynthia. Salamat sa pag-uukol mo ng panahon sa aming mga recipe. Sana, one day, matikman namin ang sampol ng luto mo. Hihintayin namin ang imbitasyon mo, ha?
"Sabi ni Jun ng 0917 401 3194: "Sana huwag naman nating pangunahan iyong mga nag-iimbestiga sa pagkamatay ng mga pulis natin sa naganap na encounter sa Mindanao. Wala naman tayo roon at karamihan sa mga naririnig natin ay haka-haka lang."
Ganyan nga rin ang sinasabi ko roon sa mga nagtatanong, eh. Mas magandang hintayin na lang natin ang result ng imbestigasyon para maging mas factual at objective ang gagawin nating conclusion. Salamat sa SMS, Jun.
Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. God bless.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |