Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-2 2015

(GMT+08:00) 2015-04-07 18:29:32       CRI

February 8, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "There is no love without a deed of love."-- Jean-Paul Sartre

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Ilang piling mensahe.

Sabi ni Edith ng Taytay, Rizal: "Naku, ingat po tayo. Kung minsan iyong mga balitang nababasa natin sa facebook ay hindi totoo. Mabilis itong kumakalat at marami ang naliligaw. Huwag basta-basta maniniwala sa balitang nababasa sa social media. Tiyakin na ang ito ay nagmumula sa isang prestigious media outfit."

Sabi naman ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng happy Chinese New Year! Sana maging maamo sa inyo ang suwerte tulad ng pagiging maamo ng sheep."

Salamat sa inyo, Edith at Cindy.

I NEED YOU
(AMERICA)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Need You," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng America. Ang track na iyan ay lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving

Bigyang-daan naman natin ang mga mensahe mula sa ilang textmates.

Sabi ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "Hindi ako nakaka-reply sayo, Kuya Ramon. Sensiya na. Madalas wala akong load. Bawi na lang next time."

Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Wala pa ring pagbabago, Kuyang. Marami pa ring malilikot ang kamay at mandarambong. Ganyan dito sa atin hanggang ngayon. Di ko alam kung bakit."

Sabi naman ni Elvie ng Ongpin, Sta. Cruz, Manila: "Maraming nananalisi ngayon dito, Kuya Ramon. Iba-iba mga paraang ginagamit nila. Bakit hindi nila gamitin mga dunong at talino nila sa kabutihan?"

Sabi naman ni Bing ng San Juan, Metro Manila: "Sabi ng iba, kahit na raw hindi ka ituring na bayani, basta buhay ka lang, okay lang. Ang tinutukoy nila ay iyong fallen 44. Kay-babata naman kasing namatay. Sayang."

Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Sana makakita ka ng magandang tiyempo para makapamasyal at makapagrelaks sa panahon ng Chinese New Year. Alam ko mahaba bakasyon ninyo diyan."

Many, many thanks sa inyong text messages.

THE WONDER IN MADRID
(JOLIN TSAI)

Iyan naman ang "The Wonder in Madrid," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jolin Tsai. Ang awiting iyan ay hango sa album na may pamagat na "The Dancing Diva."

Ngayon, dumako naman tayo sa Kitchen ni Kuya Ramon. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Steamed Mandarin Fish.

STEAMED MANDARIN FISH

Pangunahing Sangkap:

1 Mandarin fish (750g)

Para sa Seasoning:

30 gramo ng vegetable oil
20 gramo ng sausage
20 gramo ng sliced bamboo shoots
5 button mushrooms
10 gramo ng ginayat na scallions
10 gramo ng ginayat na luya
20 gramo ng siling haba
5 gramo ng asin
5 gramo ng asukal
20 gramo ng cooking wine
10 gramo ng soy sauce

Paraan ng Pagluluto:

Linisin ang isda. Lagyan ng ilang hiwa ang magkabilang tagiliran para madaling mag-absorb. Sa loob ng 10 minuto, ibabad ang isda sa pinaghalu-halong cooking wine, asin, asukal at soy sauce.

Linisin ang bamboo shoots at button mushrooms. Gayatin at ilagay nang pantay sa ibabaw ng isda. Pausukan sa loob ng 10 minuto tapos alisin.

Gayatin ang sausage at sili tapos ikalat nang pantay sa ibabaw ng isda kasama ng ginayat na scallions at luya.

Initin ang 30 gramo ng mantika sa kawali. Pag mainit na, ibuhos sa ibabaw ng isda. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.

Kung mayroon kayong mga katanungan o suggestions, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451.

EVENING MUSIC
(JAY ZHOU)

Mula sa album na may pamagat na "November's Chopin 11, iyan ang awiting "Evening Music" ni Jay Zhou.

May e-mail si Alona ng San Jose, Occidental Mindoro. Sab niya: "Pinupukol ng maaanghang at foul words ang ating mahal na Pangulo dahil sa pagkamatay ng mga tauhan ng PNP-SAF sa pagtupad nila sa kanilang

maselang misyon na hulihin ang umano'y teroristang si Marwan. Huwag naman sana silang gumamit ng bad words sa pagpapahayag nila ng galit lalo na sa social media. Alalahaning wala sila sa lugar na pinangyarihan at wala sila sa posisyon para humusga. At bilang mga sibilisadong tao, hindi sila dapat gumamit ng masasamang salita."

Korek na korek ka riyan, Alona. Talagang dapat iwasan ang abusive words o iyong tinatawag nilang name-calling lalo na sa social media. Hindi maganda iyan, eh. Salamat sa e-mail.

Salamat din sa lahat ng mga nagpadala ng maagang bating pang-Spring Festival. Huwag kayong magtatanong ng tikoy dahil walang tikoy dito sa Beijing. Diyan lang iyan sa atin at sa Hong Kong o siguro sa Xiamen. Pero dito sa Beijing at sa iba pang mga pangunahing lunsod ng Tsina, walang tikoy.

Gusto ko ring pasalamatan ang mga sumusunod sa kanilang patuloy na pagtataguyod sa aming mga programa: Aileen Sebastian ng perfidia909@yahoo.com; Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch; Manuela ng manuelakierrulf@ymail.com; Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com; at Poska ng poskadot610@hotmail.com.

Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay. Laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. GOD BLESS...

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>