Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-5 2015

(GMT+08:00) 2015-05-07 16:25:15       CRI

March 1, 2015 (Sunday)

Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kate Holmes

Quote for the day: "We all keep dreaming and, luckily, dreams really do come true."-- Kate Holmes

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool...

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Ilang piling mensahe...

Sabi ni Evelyn Sy ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Huwag na muna sanang manghimasok sa buhay-pulitika natin ang ating mga kaparian. Nakakadagdag lang sila sa gulo. Mag-concentrate na lang sila sa charity work at social building."

Sabi naman ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Sinusundan ko buhay ng mga kababayan natin diyan sa China through your program 'Mga Pinoy sa Tsina.' Katakut-takot na hirap pala dinaranas nila kumita lang sila sa para sa kanilang mga pamilya na nasa Pinas. Kailan kaya mangyayari na hindi na mag-a-abroad mga kababayan natin at mananatili na lang sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay dito sa Pinas?"

Salamat sa inyo, Evelyn at Cindy.

I NEED YOU
(AMERICA)

Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Need You," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng America. Ang track na iyan ay lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang SMS...

Sabi ni Julie ng Km. 5 La Trinidad, Benguet: "Hi, sa inyo diyan! Kumusta naman buhay-buhay? Pagbutihin ninyo mga trabaho riyan. Dito, lahat ng bagay mahal. Haaay, kakalula."

Sabi naman ni Mario Bunag ng New York, Cubao, Quezon City: "Parang malamya celebration ng People Power last Wednesday. Hindi na iyon tulad ng dati."

Sabi naman ni Emmy ng Florante, Pandacan, Manila: "Salamat sa pagpapaalala mo sa matatamis naming lumipas sa tulong ng iyong mga old classics. Malaking tulong din iyan sa pagpapagaang ng puso at damdamin."

Sabi naman ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Dapat talaga mag-isip ang mga mag-asawahan bago sila mag-anak. Dapat iyong dami ng anak ayon sa kanilang kakayahang pinansiyal at hindi sa tradisyonal na paniniwala."

Sabi naman ni Sharon ng IBM Peralta Quiapo: "Pihado ko na masaya celebration ninyo riyan ng Chinese New Year. Dito kasi, masaya rin. Sana suwertehin naman tayo ngayong taon."

Thank you so much sa inyong text messages.

FOREVER
(REX SMITH)

Iyan naman ang "Forever," na inawit ni Rex Smith at hango sa album na may pamagat na "Singer of Songs, Teller of Tales."

At dumako naman tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Rich Sweet Corn Soup.

RICH SWEET CORN SOUP

Mga Sangkap:

1 chicken drumstick
1 chicken stock cube
4 na tasa ng tubig
1 lata ng creamed sweet corn soup (440 grams)
2 dried black mushrooms (ibinabad at ginayat nang pino)
1 kutsarita ng light soya sauce
2 spring onions (tinadtad)
Asin at puting paminta (depende sa kailangan ng panlasa ang dami)
2 kutsara ng cornflour
1/4 cup ng malamig na tubig
30 grams ng lutong crabmeat
1 itlog (binati)

Paraan ng Pagluluto:

Pakuluan ang chicken drumstick hanggang sa lumambot. Huwag itatapon ang pinagpakuluang tubig. Hanguin ang manok at himayin ang laman.

Ihulog ang stock cube sa tubig. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa matunaw ang cube. Ilagay ang sweet corn, mushrooms, soya sauce at kalahating-dami ng spring onions. Ilaga sa loob ng 2 hanggang 3 minuto tapos lagyan ng asin at puting paminta ayon sa panlasa. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water at ilaga sa loob ng 2 minuto. Ilagay ang manok at crabmeat at hayaang mainitan nang husto.

Bago isilbi, ilagay ang binating itlog tapos ibudbod ang natitirang spring onions.

Para sa inyong mga tanong o suggestions, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...

IMBISIBOL NA PAKPAK
(ANGELA CHANG)

Mula sa album na may pamagat na "Pandora," iyan ang awiting "Imbisibol na Pakpak" ni Angela Chang.

May ilang SMS pa rito.

Sabi ng +86 138 114 09630: "Salamat sa mga magazine na tulad ng Beijing Review at China Pictorial. Dagdag kaalaman din ang mga laman niyon."

Sabi naman ng +41 787 882 084: "Iba na rin, Kuya, kung may nahihingan ka ng second opinion. Nakakagawa ka ng magandang decision. Thanks, Kuya Ramon."

Sabi naman ng +63 917 401 3194: "Paano ba tayo boboto niyan sa 2016? Hindi natin alam kung sino ang pipiliin natin. Sana huwag tayong magkamali."

Thank you so much sa inyong mga mensahe. Oo nga, eh. Lagi naman tayong nagkakamali, eh. Kailan kaya tayo hindi magkakamali?

Nagpapasalamat si Emma ng V. Luna, Quezon City sa mga natanggap niyang recipe mula sa inyong lingkod. Sinisikap daw niyang matutong magluto ng mga Chinese food. Marami na raw siyang alam na luto pero kaunti lang daw ang alam niyang lutong Tsino, kaya very enthusiastic daw siyang matuto. You are most welcome, Emma. Basta ikaw-- o should I say, basta kayo, kasama na iyong mga iba pang enthusiastic matuto ng mga lutuing Tsino.

Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagsubaybay at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>