|
||||||||
|
||
20160828gnm.m4a
|
August 28, 2016 (Sunday)
Quote for the Day:
"Beauty is not in the face; beauty is a light in the heart."
-- Kahlil Gibran
Opening Reminder:
Pagkagising natin sa umaga, ang unang-unang dapat nating gawin ay pasalamatan si Lord sa panibagong araw at sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Ugaliin nating makipag-communicate kay Lord para manatili tayo sa tuwid na Landas.
Ilang Piling Mensahe:
Audrey (Pulang Lupa, Las Pinas): "As for me, ang mga Pinoy abroad natin e di lang mga buhay na bayani. Matatawag din natin silang ambassadors of goodwill. Sa pagpunta nila sa ibang bansa,nagka2run ang mga ma3yan ng ibang bansa ng alam tungkol sa kulturang Pilipino at kaugaliang Pilipino. Nala2man din nila ang tungkol sa buhay sa Pilipinas. Yung mga ipinapasok nilang dolyares D2 satin e bahagi lang ng contribution nila sa bansa."
Chona (M. Adriatico, Ermita, Manila): "Isa aq sa mga regular na sumusubay2 senyong Cooking Show. Naki2nig aq sa radio at bumibisita sa website nyo. Gustu q style ng paglu2tu nyo. Madalas sa huli nyo nila2gay ang bawang. Naka2in yun nang medyu sariwa pa. Ang kabutihan nyan, d nawawala ang original taste ng ibang sahog."
Opening Song:
Love Letters by Elton John
Mga SMS:
Delia (Navotas City, Metro Manila): "wag nman sna abusuhin ng kapulisan ntin authority nla. Tingin q parang mga trigger-happy cla. wag nman. kakanerbyos, eh."
Kim (Barangay Panapaan, Bacoor, Cavite): "uh oh! pati mga mayors at judges me sabit sa illegal drugs? sna d 22o. maka2sira yan sa imahe natin. silipin kaagad sana nila yang case na yan."
Mel (Fangyuan, Beijing, China): "minsan walang preno sa pagsa2lita si el presidente. me mga nasa2bi cya tloy na di nya gustong sabihin o gawin tulad ng pagkalas sa UN."
Eliza (West Coast Way, Singapore): "harinawa di na masira momentum ng pag-uusap ng phl govt. @ ndf-cpp. Magtagumpay sana lahat ng usapang pangkapayapaan."
Shiena (San Marcelino, Paco, Manila): "kapit-kamay tau mga kabayan. pagdasal natin mga biktima ng lindol sa italy at myanmar. isama na rin ntin mga biktima ng giyera sa syria atbp lugar."
Chinese Song:
Ulap at Buwan by Ai Dai
Kusina ni Kuya Ramon:
CRAB MEAT AND SPONGE GOURD
Mga Sangkap:
1/4 na kilo ng crab meat o laman
ng alimango, nabibiling luto
na o niluto sa bahay
2 patola, binalatan at hiniwa nang
manipis
1/2 na tasa ng thin wheat flour noodles
o miswa
2 tasa ng tubig
4 na butil ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, ginayat
nang manipis
4 na kamatis, inalisan ng buto at ginayat
nang manipis
1 kutsara ng toyo
1 kutsara ng vegetable oil
Paraan ng Pagluluto:
Mag-init ng mantika sa kawali at sa mahinang apoy, igisa ang
bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang crab meat pagkatapos.
Buhusan ng 1 tasa ng tubig. Halu-haluin bago takpan sa loob ng
3 minutes. Ibuhos pa ang natitirang isang tasa ng tubig tapos
isama ang thin wheat flour noodles. Ituloy pa ang paghalo.
Takpan sa loob ng 2 minutes tapos idagdag ang patola at
timplahan ng toyo. Ituloy pa ang paghalo tapos takpan sa loob
ng 2 minuto. Pagkaraan niyan, ready to serve na iyan. Ihain
habang mainit.
Final Song:
Please Don't Ask Me by John Farnham
Mga Pahabol na SMS:
0928 442 0119: "in times of misery, don't ever think that we're alone. someone up there is watching over us and he is no other than our Lord, the all-knowing, all-seeing and all-powerful God."
0917 960 8218: "Mahirap talaga tayu mag-move on as a nation kasi we are divided along political line."
0906 221 8724: "Pray, pray, pray poh tau. Maraming man-made @ natural calamities sa iba't ibang lugar ng mundo. Maraming nagsa-suffer. Pray, pray lang poh..."
Hugot Lines:
"Alam mo, masaya ako dahil nakilala kita, nakateks kita at napalapit ka sa puso ko. Pero alam mo ang pinakamasaya sa lahat? Iyong mga oras na pinapangiti mo ako habang magkateks tayo."
-- From: Anna Marie (Kalentong, Mandaluyong, Metro Manila)
Closing Reminder:
Ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |