|
||||||||
|
||
20160911gnm.m4a
|
September 11, 2016 (Sunday)
Quote for the Day:
"Someday, your pain will become the source of your strength. Face it. Brave it. You will make it."-- Dodinsky
Ilang Piling Mensahe:
Erica (Roosevelt Avenue, Project 7, Quezon City): "Sana maging more diplomatic ang ating mahal na Pangulo sa kanyang pagsasalita lalu na kung patungkol sa kapuwa niya lider ng bansa para maiwasan ang kontrobersiya. Dapat piliin niyang mabuti ang mga salitang gagamitin niya."
ShaSha (Global City, Taguig): "Huwag naman sanang abusuhin ng kapulisan at kasundaluhan ang special power na ibinigay sa kanila ng President natin. Marami kasing parang kinakati ang mga daliri at laging nakahawak sa gatilyo. Huwag namang ganun."
Opening Sound:
Sideshow by the Blue Magic
Text Messages:
Donna (Tianjin, China): "Happy Mid-Autumn Festival sa lahat-lahat jan. Maging masaya @ maswerte sana kau sa araw na yan. Peace, peace, peace! Love, love, love!"
Fely (General Trias, Cavite): "happy b-day ke Mama Mary. September 8 ang talagang b-day nya...I thank her and ask for her prayer and intercession for all of us."
Joseph (Punta, Sta. Ana): "hindi naman minura @ ininsulto ni president digong si president obama. napamura lang cya dahil habit na nya yun pag meron cyang di-nagugustuhan. sori, sori, sori na lang poh!"
Menchu (Binondo, Manila): "let's pray morning, noon and evening para sa ikatatahimik ng bansa ntin. mraming nagba2lak na manggulo @ maghasik ng takut satin."
Jasper (B. F. Homes Paranaque): "tama yun. dpat taung magkarun ng mas independent na foreign policy. hirap dn nman yung sunud- sunuran nlang taung lagi sa makapangyarihang bansa."
Chinese Song:
Heaven by Guang Liang
Kusina ni Kuya Ramon:
STIR-FRIED RICE NOODLES
Mga Sangkap:
1/2 kilo ng ibinabad sa tubig na rice noodles
3 kutsara ng vegetable oil
1 kutsarita ng bawang, tinadtad
1 sibuyas, tinadtad
1/2 kilo ng manok, nilaga at hinimay
1/4 na kilo ng hipon, tinanggalan shell
1 carrot, hiniwa nang manipis at pahaba
Toyo at paminta, ayon sa panlasa ang dami
1 tasa ng ginayat na repolyo
1/2 tasa ng hiniwang abitsuelas
2 tasa ng sabaw ng manok
Paraan ng Pagluluto:
Mag-init ng mantika sa kawali tapos igisa ang bawang, sibuyas, manok at hipon. Lagyan ng toyo at paminta. Idagdag ang mga gulay. Lutuin hanggang sa lumabas ang katas. Ibuhos ang sabaw. Pagkulo, ilagay ang rice noodles. Lutuin hanggang sa mag-evaporate ang sabaw pero panatilihing mamasa-masa. Ihaing may kasamang lemon o kalamansi.
Final Sound:
If This World Were Mine by Marvin Gaye and Tammi Terrel
Mga Pahabol na Mensahe:
0916 260 0645: "kuya, malapit na ang mooncake festival. Binabati q kaung lahat jan. enjoy lang kayu sa pagkain ng mooncake!"
0919 302 3333: "more happiness, more blessings on mid-autumn day, kuya ramon. kmzta sa lahat ng friends jan sa beijing."
0917 483 2281: "maligayang bati sa pagdiriwang nyo ng mid- autumn festival. sana panikin kau ng maraming swerte sa araw na Yan!"
Hugot Lines:
Benilde (Quezon Boulevard, Quiapo, Manila): "Kumusta ka na, Kuya Ramon? Wala ka na bang dinaramdam? Anung wala? Imposible. Dala mo ang bigat ng mga problema namin, ah."
Final Words:
Pagkagising natin sa umaga, ang unang-unang dapat nating gawin ay pasalamatan si Lord sa pabibagong araw at sa lahat ng mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Ugaliin nating makipag-communicate kay Lord para manatili tayo sa tuwid na landas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |