|
||||||||
|
||
48 estudyanteng Pinoy ang nandito sa Beijing para lumahok sa summer camp. Nakatakdang manatili sila sa Beijing nang isang buwan. Mahigit 2 linggo nang namamalagi ang mga estudyanteng Pinoy sa Beijing. Bukod sa atende sa mga leksyon, marami rin silang natikman at nakita.
May dalawang panahon ang Pilipinas, at apat naman ang Beijing. Ngayon ay tagsibol ng Beijing kung kailan luntiang luntian at mabulaklak at mabulaklak man, mahangin naman ang lunsod.
May isang kasabihang Tsino iyong hindi umakyat sa Great Wall ay hindi tunay na bayani. Kaya, hindi maaring hindi ilakip sa kanilang itenary ang pag-akyat sa Great Wall. Nakabisita rin sila sa ibang kilalang lugar ng Beijing.
Para sa mga batang Pinoy, kahanga-hanga at katangi-tangi ang lahat ng kanilang naranasan dito sa Beijing, pati, public transport.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |