![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sina Captain Gen Padua at Sissi
Kamakailan, bumista sa serbisyong Filipino ng CRI ang isang espesyal na panauhin, si Captain Gen Padua. Pumarito sa Beijng si Gen para dumalo sa isang simposyum ng junior military officers na inihandog ng Ministry of Defense ng Tsina. Si sissi (ako) ang tumanggap sa kanya sa ngalan ng Serbisyo Filipino.
Noong isang araw, nagpasiya kaming mag-meet sa subway station. So, para magka-alaman kung nasaan na kami, nagpapadalahan kami ng SMS. Iyon ang communication namin. Pero, dahil sa rush hour, nahuli ako sa aming usapan. Naunang dumating si Gen at pinaghintay ko siya ng mga kalahating oras.
Nasaan restaurang malapit sa Houhai
Pumunta kami sa Houhai, isang sikat na bar street sa Beijing. Noong mga oras na iyon, maraming tao ang naghihintay sa labas ng restaurant. Ipinasya kasi naming maglakad-lakad muna atsaka na lang kumain. Mga bandang alas-10 ng gabi, biglang nagtanong si Gen : "Bukas pa ba ang mga restaurant at tindahan?" Siyempre, at first, tumaas ang kilay ko. Pero naisip ko bigla na baka akala niya nagpapairal ang pamahalaang Tsino ng martial law at bawal na bawal na lumabas ng bahay (ang mga mamamayan) pag dating ng alas-diyes ng gabi
Hindi ko alam, pero, hindi ko mapigilan ang pagtawa. Noong mga sumunod na araw, sinimulan ko na siyang biru-biruin hinggil dito. Bago siya umalis ng Beijing, nang mabanggit ko ito, napahagalpak siya ng tawa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |