Tuwing sabado, dumadalaw ako at aking mga kaibigan sa iba't ibang lugar. Iilan sa mga napuntahan namin ay ang Great wall of China, Forbidden City, Gu Gong, Tien an men, Yonghegong Lama Temple, Bird's Nest, Water Cube, Parke ng mga bulaklak ( yu yan tan), at iba pang mga mall.
Sa aking opinyon, halos lahat ng mga napuntahan namin ay may kasaysayan. Isa na dito ay ang Great wall of china, kapansin pansin talaga ang mga hagdanan dito. Baku-bako, hindi pantay, at mahaba ang madadaanan mo hanggang sa dulo. Sinasabing ginawa ito para sa digmaan. Maipagmamalaki ko ito dahil kapwa nating asyano ang gumawa nito.
Isa pang nakakuha ng atensyon ko ay ang Bird's nest at ang water cube. Parang nga itong modernong Great Wall dahil pinaghirapan din ito at ginawa ng husto.