|
||||||||
|
||
May isang Proverb na Tsino na nagsasabing "He who has never been to the Great Wall is not a true man" . Nang dumating ng Beijing ang mga dayuhan, isa sa mga lugar na pinakagustong nilang bisitahin ay Great Wall dahil sa kasaysayan at tanawin nito bilang isang himala ng daigdig.
Ngayong umaga, sinamahan ko ang 14 na estudyanteng taga-Ateneo at ang kanilang guro na umakyat sa Great Wall ng Badaling sa Beijing. Maulap at malamig ang panahon, mga 20 degree ang temperature. Kahit workday, marami pa rin ang mga bisita roon. Ngunit, mayroon kaming espasyo para kunan ng mga larawan.
Ang Great Wall ay ancient Chinese fortification na sinimulang itayo noong Qin Dynasty para mapangalagaan ang ancient China mula sa paglusob ng iba pang tribes. Ang buong haba ng pader ay mga 6300 km, mula Shanhai Pass on the Bohai Gulf sa Silangang Tsina hanggang Jiayu pass sa lalawigang Gansu. Ang karamihan sa Great Wall na nakikita namin ngayon ay kinumpuni noong Ming Dynasty. Ang bahagi ng Badaling na inakyat namin ay pinag-ingatan nang pinakamabuti.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |