|
||||||||
|
||
Kaninang umaga, ang delegasyon ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP ay dumalaw sa Radio Internasyonal ng Tsina o CRI, buong siglang tinanggap sila ng CRI at nagpalitan ng mga palagay sina Ma Weigong, Pangalawang Punong Editor ng CRI at G. Herman Basbano, Presidente ng KBP hinggil sa pag-unlad ng usapin ng pagsasahinpapawid, kooperasyong pangkaibigan ng 2 panig at iba pa.
Sinabi ni G.Basbano na narinig niya ang wikang Pilipino sa CRI at nakaramdam siya na umuwi na sa sariling bayan. Lubos na pinahahalagahan ng KBP ang pagdalaw na ito, umaasang ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon nila ng CRI, halimbawa, pagpapakilala sa turismo sa isa't isa at pagbibigay ng serbisyo ng impormasyon sa pagpapalitang pangkalakalan.
Ang pag-uusap ay tumagal nang isa't kalahating oras at lipos ng kasiya-siyang atmospera, pagkaraan nito, nagpalitan sila ng mga regalo.
Bumisita rin ang depegasyon sa Serbisyong Pilipino, at kinuna ang silang lahat ng larawan bilang ala-ala.
Pagkaraan ng pagdalaw ng delegasyon ng KBP, kinapanayam si G.Basbano ng mamamahayag ng Serbisyong Pilipino ng CRI na si Any, sinabi ni Basbanong ito ay kauna-unahang pagkakataong bumisita siya sa Beijing, sa nakaraan, dumalaw siya sa lunsod ng Guangzhou lamang. Sa tingin niya, Beijing ay magada naman.
Umaasa rin si Basbano na magkakaroon ng mas maraming kooperasyon sa pagitan ng mga brodkaster ng Tsina at Pilipinas.
Sinabi rin ni Basbano na sa kasalukuyan, may mas maraming bagong media sa Tsina at maalaman naman niya ang hinggil sa Tsina sa Pilipinas.
At ipinalalagay niyang ang internet ay isang mabisang paraan para sa pagsasahimpapawid ng balita.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |