Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Liwayway, buong-sikap na naggagalugad ng pamilihang Tsino

(GMT+08:00) 2009-11-19 18:29:28       CRI

Pamilyar na pamilyar sa inyo ang tatak na Oishi. Babakasin natin ang landas ng pag-unlad ng Oishi sa pamilihang Tsino.

Si G. Larry Chan, President of Liwayway ( China) Co. at mga babaeng reporter ng CRI

Noong taong 1993, itinatag ni Carlos Chan na kinikilala rin bilang Shi Gong Qi, Liwayway China Company Limited, na nakabase sa Shanghai.

Si G. Wu Guomin ay pangalawang Presidente ng Liwayway China at nagsimula na siyang manungkulan sa kompanya sapul nang itatag ito sa Shanghai noong taong 1993. Hinggil sa kung bakit pinili ng Liwaway ang pamilihang Tsino, ganito ang tinuran ni G. Wu:

"Ang Tsina ay isa sa mga pinakamalaking pamilihan at napakalaki rin ng potensyal nito. Nasa proseso pa rin ng urbanisasyon ang Tsina at nagdudulot ito ng malaking potensyal at pagkakataong pangkaunlaran. Kasabay ng tumataas na lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, sasalubungin ng snack food industry ang mabilis na pag-unlad."

Pinasok din ng Liwayway sa Tsina ang marketing principle na nagtutuon ng pinsan sa pangangailangan ng mga mamimili. Tungkol dito, ganito ang sinabi ni G. Wu.

"Noong araw, bago sa pamilihang Tsino ang marketing strategy ng Liwayway. Hanggang sa kasalukuyan, nananangan pa rin ang Liwayway sa estratehiyang ito. Bago ilabas ang mga bagong produkto, dapat muna kaming magsagawa ng market research, taste test at iba pa."

Sa kasalukuyan, ang mga pabrika ng Liwaway China ay matatagpuan sa ilang probinsya ng Tsina. Nang tanungin kung paano umuunlad ang Liwayway China sa kasalukuyang malaking saklaw, ganito ang sinabi ni G. Wu.

"Umaalinsunod kami sa saligang regulasyon at prinsipyo ng pag-unlad ng bahay-kalakal, ibig sabihin, dapat muna naming palawakin ang saklaw ng Liwayway at saka pa lamang lalakas ito."

Sa kasalukuyan, ang tatak ay ang estratehikong nukleo ng pag-unlad ng Liwayway China at pinasisigla ng Liwayway ang tatak nito sa pamamagitan ng katangi-tanging corporate culture na nagtatampok sa pagsasabalikat ng responsibilidad na panlipunan.

Upang matupad ang responsibilidad na panlipunan nito, malaki ang inilalaan ng Liwayway China para matiyak ang kaligtasan, pagiging masustansiya at pagiging pampalusog ng mga produkto ng kompanya.

Kasabay nito, malaki rin ang ibinibigay na tulong na pinansyal at materyal ng Liwayway China sa lipunan. Halimbawa, noong taong 2004, nag-abuloy ang Liwayway China ng 10 milyong Yuan RMB o mahigit 1 milyong dolyares sa sentrong tagapaghanda ng 2007 Special Olympics World Summer Games sa Shanghai. Bukod dito, bawat taon, nakakatanggap ng mga regalo mula sa Liwayway China ang mga katandaan ng Rest Home ng Changning District ng Shanghai.

Ipinakikita ng pag-unlad ng Liwayway China na kung gustong makapagtamo ng pangmatagalang bitalidad ang isang tatak, dapat aktibo itong makisalamuha at maglingkod sa lipunan.

Reporter: Any

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>