|
||||||||
|
||
Paki mo marinig nga ang programa na ito mula sa CRI Radyo:
Si Amelou, isang Pilipinang matagal nang naninirahan sa Amerika, ay tatlong ulit nang nakadalaw sa Tsina. Ang una ay noong pagtatapos ng 2007, ang ikalawa ay noong Mayo ng 2008 at ang ikatlo ay noong isang buwan lamang. Kahit paulit-ulit ang pagdalaw niya sa Tsina, ang bawat biyahe naman niya ay puno ng bago at iba't ibang nilalaman.
Nagsimulang malaman ni Amelou ang hinggil sa Tsina nang makilala niya si Lea, isang dalagitang Tsino. Noong 2006, sa isang di-inaasahang pagkakataon, nagkakilala sila sa isa't isa sa internet at mula noon, napanatili nila ang kanilang madalas na pag-uugnayan sa pamamagitan ng internet. Noong 2007, gumawa si Amelou ng isang kapasiyahan: "Pupunta ako sa Tsina." At sa kaniyang kauna-unahang pagdalaw nga sa Tsina, kasama ni Lea, si Amelou ay bumisita hindi lamang sa Great Wall sa Bejing, kundi maging sa sa Baotu Spring, Daming Lake at Qianfo Hill sa lunsod ng Jinan, hometown ni Lea sa Silangang Tsina. Ang pagdalaw ay nag-iwan kay Amelou ng malalim na impresyon. Nagustuhan niya ang mga mamamayan at lugar sa Tsina.
(Sa Great Wall, Beijing)
(Sa Daming Lake, lunsod ng Jinan)
Kaya, noong 2008, muling dumalaw si Amelou sa Tsina at sa pagkakataong iyon, kasama niya ang kanyang asawa. Sa pagdalaw na ito, bumisita sila sa Imperial Palace na hindi niya napuntahan noong tinalikdang taon. Noong taong iyon kasi, sa kamalasan, ito ay sarado.
(Sa loob ng Imperial Palace)
Sa ikalawang pagdalaw niya, nakaranas na naman siya ng kabiguan. Gusto niya sanang pumunta sa Olympic Garden, pero dahil tatlong buwan pa bago ang pagbubukas ng Beijing Olympic Games, hindi pa ito bukas para sa publiko. Nguni't sa ikatlo niyang pagdalaw, nagkaroon din ng katuparan ang kanyang pangarap.
(Ang Bird Nest sa loob ng Olympic Garden)
Bukod dito, sa ikatlong pagdalaw ni Amelou sa Beijing, nadagdagan pa ang mga kaibigan niyang Tsino at ako, si Any ng CRI Serbisyo Filipino, ay kabilang dito.
(Sa Sanlitun—kilalang-kilalang bar street sa Beijing)
Ipinasyal ko sila sa Sanlitun—kilalang-kilalang bar street sa Beijing. Dito, napanood ni Amelou ang pagtatanghal ng isang Filipino band. Pamilyar ang musika para kay Amelou, pero, what makes it more exciting ay marinig ang music na tinugtog ng isang bandang Pilipino sa Beijing.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |