|
||||||||
|
||
Ang magandang awit na narinig ninyo ay mula sa isang Filipino artist, pero, ang kaniyang tinig ay hindi nagmumula sa Pilipinas, kundi sa Shanghai, isang lunsod sa Silangang Tsina.
Mula noong isang linggo hanggang ngayon, nagsisikap ang maraming pinoy para i-promote ang Pilipinas sa buong daigdig sa Shanghai World Expo. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga opisiyal ng pamahalaan at mga artista at iba pa, at ang kanilang performing stage ay isang pabilyion——ang Philippine Pavilion sa Shanghai World Expo park.
Si Marian Pastor Roces ay Curator ng Philippine Pavilion. Bilang isang beteranang personahe na nangunguna sa pagdidisenyo ng museum at pabilyion, ang Philippine Pavilion sa World Expo ay isang masterpiece na kanyang ipinagmanalaki.
Ang tema ng pabilyiong ay "performing cities"
At upang maipakita ang temang ito, may iba't ibang performances sa loob ng pabilyion na kinabibilangan ng mga tradisyonal na musika at sayaw ng Pilipinas. Ang maririnig ninyo ay isang di-karaniwang musika mula sa "Kontra Gapi"
Ang art performance ay isang bahagi lamang ng pabilyion, marami pang ibang bagay dito. Isinalaysay ni Ms Roces, Curator of the Philippine Pavilion na:
Libo-libong tao ang bumibisa sa pabilyion sapul nang buksan ang SWE park noong isang linggo, at sinasalubong sila ng mga pagtatanghal mula sa mga artistang Pilipino.
Habang nagpapatuloy ang kagila-gilalas na performances sa Shanghai, lalo naming nababatid ng higit na maraming tao mula sa buong daigdig ang hinggil sa kulturang pinoy.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |