Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Friendly Hurricane sa Hard Rock Beijing

(GMT+08:00) 2010-10-18 20:21:21       CRI

Ito na marahil ang tipo ng hurricane na nilalapitan sa halip na layuan ng mga tao. Ito ang hurricane na magiliw at kinagigiliwan ng marami. Ito ang Hurricane Band, Pinoy band sa Beijing.

 

Binubuo nina Joel at Danny sa lead vocals; Roel sa lead guitar; Saul sa second lead; Allan sa drums at Roland sa bass, ang banda ay mapapanood araw-araw, maliban kung Lunes, sa Hard Rock Café, Liangma Qiao, Beijing.

 

Ang kanilang buo, matataas at resonanteng tinig ay bagay na bagay sa kanilang repertoire na binubuo ng folk-rock mula sa 60's. Hindi kataka-taka kung habulin sila hindi lamang ng mga rockers kundi maging ng mga mahilig sa iba pang istilo ng musika.

 

Kinapanayam sila minsan ng aming reporter na si Andrea at narito ang kabuuan ng interview:

(A: Andrea H: Hurricane)

Part 1: PANGALAN NG BANDA

A: Magandang gabi, Allan.  Ako Si Andrea mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International.

H: Hello......Magandang gabi, Andrea!

A: Unang una, kailan nabuo ang Hurricane Band?

H: Nabuo ito noong 2002,  June 10, 2002.

A:Sino ang nakaisip ng pangalang Hurricane?

H:Actually, ang original name nito ay "Wine and Roses." Pagdating dito sa Hard Rock, pinapalitan nila ito ng "Hurricane." Wine and Roses" ang talagang pangalan nito originally.

Part 2: MUSIKA NG HURRICANE

A:Bakit rock ang napili ninyong music style?

H: Kasi siguro nasa dugo naming iyan…Kani-kaniyang hilig kasi, eh. May mahilig sa R&B, pop, disco. Kami naman mahilig sa rock, rock music...

A: Ever Since, talagang rock lang ang kinakanta ninyo?

H: Minsan, kumporme rin sa biyahe namin. Minsan may biyahe kami na ang lugar ay nangangailangan ng variety songs, so, kailangan naming mag-adjust. Tumutugtog din kami ng variety songs like disco, R&B songs, old songs o oldest songs, something like that.  

A: Nasubok na ba ninyong magrekord ng kanta with a recording company?

H: Sa recording, mahirap, eh. Mahirap mag-recording kasi big-time iyon, eh. Kung magre-recording ka malaking panahon ang gugugulin mo doon at mahirap kasi pamilyado kami, kailangan naming kumita ng pera.

Part 3: Iba pang mga Bagay Hinggil sa Hurricane

A: Bukod sa China, alin-aling bansa pa ang napuntahan ninyo?

H: Malaysia, china, thailand. Sa biayahe namin.

A: Anu-anong lugar sa China ang nabisita ninyo?

H: Sa Beijing lang......

A: Nag-iwan ba sa inyo ang Beijing ng deep impression ?

H: Oo. Nagkaroon kami ng chance na makihalubilo sa international community at

at enjoy kami sa mga kasama at kaibigang Chinese. Masaya silang kasama.

A; Meron ba kayong kawili-wiling kuwento na nangyari sa Tsina?

 

H: Minsang taglamig, umulan ng snow. Lumabas kami at tuwang-tuwa kaming naglakad sa lupa na natatabunan ng snow. Parang mga bata kaming naglaro, kasi wala naman talagang snow sa Pinas, eh. Hindi namin makakalimutan ang experience na ito na paglalaro sa snow. Dadalhin naming ang memories nito pag-uwi naming sa Pinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>