Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maligayang awitin mula sa "The Rage"

(GMT+08:00) 2010-12-23 23:23:54       CRI

 

Andrea: Maligayang Pasko mga giliw na tagasubaybay! Welkam sa inyong pakikinig sa aming espesyal na program para sa Pasko! Ito po si Andrea.

lele: Maligayang Pasko mga kaibigan, ito po si lele!

le: jingle bells,jingle bells,

jingle all the way

oh what fun it is to ride

in a one-horse open sleigh...

Andrea: hey, hey, Lele, nagre-record tayo!

 

 "The Rage"—— sina Jane at Irvin

Lele: Okay, Andrea. Dapat isalaysay muna natin ang hinggil sa mga singer ng kantang ito-- sina Jane at Irvin.

Andrea: Oo. Sila ay mga miyembro ng "The Rage" Filipino banda na nagpe-perform sa Chongqing, hilagang kanlurang lunsod ng Tsina.

(self-introduction)

Lele: Nakilala namin ni Andrea ang "The Rage" dahil sa aming biyahe sa Chongqing noong nagdaang linggo.

Andrea: At pinuntahan namin ni Lele ang grupo sa hotel na tinutugtugan nila kung gabi at pagkatapos nakipagkuwentuhan kami sa tatlong miyembro na sina Jane at Irvin, at kanilang agent na si Andy.

Lele: Si Andy ay isang Tsino na agent ng lahat ng bandang Pilipino sa Tsina. Ang "Rage" ay banda ng Andy Company.

Andrea: oo. Ibig sabihin, si Andy ang naghanap ng booking para sa Rage. Paanong nakilala ni Andy sina Jane at Irvin? Bakit pinili ng "Rage" ang Tsina?

"The Rage" at mga reporter at si Andy (right)

Andrea: O I see. Sabi ni Andy, noong unang pagkarinig pa lamang niya sa bandang Pilipino, nagustuhan niya kaagad ito.

Lele: Oo. Sabi niya minsan ay nagtrabaho siya sa Turkey at nang magpunta siya sa isang bar, napanood niya ang performance ng isang banda. Nagustuhan niya ang performance ng grupo at nalaman niya na iyon ay Filipino band.

Andrea: Mula noon, nagsagawa na siya ng maraming pananaliksik hinggil sa Pilipinas. Pagbalik sa Tsina, itinatag niya ang kasalukuyang kompanya.

Lele: Ayon pa kay Andy, ang bentahe ng bandang Pilipino ay sila ay may katangian ng kapwa Kanluran at Silangan. Minsan kumakanta sila ng soft and mellow at minsan naman ay masisigla at mahusay silang mag-aral ng wikang dayuhan.

Andrea: Oo nga. Maraming bandang Pilipino dito sa Tsina. Iyong iba ay may agent at iyong iba ay wala. Alin ang mas mabuti?

(sound)

Lele: Nang mabanggit ni Jane ang pagsasalita ng wikang Tsino, sa interbyu, mayroon siyang isang kuwento hinggil dito.

(sound)

Andrea: mahusay ang wikang Tsino ni Jane ha?

Lele: oo. Dahil nananatili na siya sa Tsina nang 18 taon. At nag-aral siya ng wikang Tsino mula sa daily life.

(sound)

Andrea: O, 18 taon. Dapat maraming lugar ka nang napuntahan.

(sound)

Lele: Pero, ito ang ikalawang taon ni Irvin sa Tsina. At nagustuhan niya ang pamumuhay dito.

(sound)

Andrea: Ang bandang "Rage" ay unang beses na pagtatambal nina Jane at Irvin. Medyo mahirap para sa kanilang dalawa sa simula.

(sound)

Lele: Totoo. Kailangan ang panahon para sa adaptation. Samantala, kailangan din nila ng panahon para maka-adapt sa pamumuhay doon sa Chongqing.

Andrea: Talaga. Para sa akin na isang taga-Beijing, hindi maginhawa ang pananatili sa Chongqing. Kahit ang temperature doon ay mas mataas kaysa sa Beijing, mga 2 hanggang 10 degrees atsaka humid at laging umuulang at mahangin. Lagi akong giniginaw.

Lele: what's more, walang air-condition! At iyong pagkain, puro maaanghang. Ang mga kaibigan doon sa Chongqing ay lagi kaming itini-treat sa hotpot. Iyon ang specialty doon.

Andrea: Oo nga, lalo na iyong maanghang na hotpot, kilalang kilala sa Tsina.

Lele: Pero, para kina Jane at Irvin. Hindi enjoy sila sa pagkain ng Chongqing.

(sound)

Andrea: Oh, umaasang gagaling sila sa lalong madaling panahon.

(music)

Lele: Ang narinig ninyong magandang kanta ay Christmas song ng mga taga-visayas, si Irvin ang kumanta.

Kinapanayam ang "the Rage" ni Andrea

Andrea: Nang mabanggit ang Pasko, malungkot sila, kasi magtatrabaho sila at malayo sa tahanan. kaya, hindi puwedeng bumalik sa Pilipinas at wala pa silang plano hinggil sa kung papaanong mag-celebrate nito.

Andrea: pakinggan natin ang kanilang Christmas wishes at New year resolution.

(sound)

Lele: At diyan natatapos an gaming programa sa gabing ito. Good luck Jane and Irvin. Ingat.

Andrea: We wish you a merry Christmas and happy New Year. Good night.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>