![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Lele: Hello, mga giliw na tagasubaybay, ako si Lele, kasama si Rhio, welcome sa programang "Mga Pinoy sa Tsina." Ang tema ng programa ngayong gabi ay "Beijing mula sa bintana ni Rhio."
Rhio: Magandang gabi po mga katoto at kapanalig, ito po si Rhio. Alam ninyo, halos isang buwan na sapul nang ako ay dumating dito sa Beijing, at sa totoo lang ay napakarami ng nakakatuwang tanawin at kawili-wiling gawain dito sa lunsod na ito.
Lele: Yeah, kahit naninirahan ako dito sa loob ng halos 10 taon na, hindi ko pa rin masasabing talagang kilala ang Beijing. Sa tingin ko, ang Beijing ay isang malaking lunsod at maraming bagay pa ang kailangan kong alamin tungkol dito. Eh, ikaw, Rhio, ano ang iyong first impresyon sa Beijing?
Rhio: Ang Beijing ay isang kamangha-mangha at napakagandang siyudad ng Tsina, isang maunlad at sopistikadong lunsod, na puno ng kinang ng kasaganaan at teknolohiyang malayo sa aking kinagisnang bayan. Sa palagay ko, ang lunsod na ito ay sumasalamin sa maunlad na ekonomiya ng Tsina na bukas-palad namang tumanggap sa akin.
Lele: Ah! Napakaganda naman pala ng first impression mo sa aming siyudad. Kami naman ay nalulugod na makasama ka naming sa Serbisyo Pilipino. By the way, bukod kay Rhio, marami ring iba pang mga dayuhan ang tagatrabaho sa CRI. Ano naman kaya ang kanilang impresyon sa Beijing noong dumating sila sa kauna-unahang pagkakataon?
Rhio: Mabuti at nabanggit mo iyan Lele. Nag-interbyu ako ng ilang mga dayuhan tungkol dito. Pakinggan natin kung ano naman ang masasabi nila.
Lele: Talaga? Let's listen to it!
(mga interbyu)
Lele: Sa lahat ng ito, sa iyong pananaw, ano ang pinakaimportanteng sangkap na pumukaw sa iyong damdamin?
Rhio: Ang pinakaimportanteng sangkap na pumukaw sa aking damdamin ay ang katangian ng mga mamamayang Tsino sa pagiging mapagmalasakit, magalang, at mapagmahal sa kapwa: isang katangian na matibay na sumasalamin sa tunay na katauhan at kalooban ng lahing Asyano. Sa gitna ng pag-unlad sa teknolohiya, siyensiya, at ekonomiya, nakita at naramdaman ko, sa aking pakikisalamuha sa kanila ang init ng pagtanggap ng isang tunay na kapatid at kapamilya. Ang mga katangiang ito ay nananatili pa ring buhay sa kanilang mga damdamin at kanilang isinasabuhay sa mga araw-araw na gawain. Sa aking palagay, isa itong magandang ehemplo: ehemplo na dapat ay pamarisan ng iba pang lahi, hindi lamang ng ibang mga Asyano, kundi pati na rin ng mga taga-kanluran. Sa pangkalahatan, masasabi kong ang Beijing ay isang lunsod na may dalawang mukha: ang mukha ng pag-unlad at progreso at ang mukha ng kagandahang-asal na katangi-tanging ehemplo ng isang tunay na kultura at bansang Asyano.
Lele: Sige, Rhio, good point! Masayang masaya ako sa mga narinig ko mula sa iyo. Rhio, salamat sa iyong pagbabahagi ng damdamin at karanasan sa Beijing.
Si Rhio sa kilalang Wangfujing Street sa Beijing
Rhio: It's my pleasure. Ikinagagalak kong sabihin ito sa ating mga tagasubaybay! Mga giliw na tagapakinig, diyan po nagtatapos ang programang "Mga pinoy sa Tsina" ngayong gabi.
Lele: Hah, hindi "Mga Pinoy", ngayong gabi, we are talking about "si Rhio sa Tsina" lamang.
Rhio: Huh!? Ganoon ba iyon? Heeheee… Sige na nga.
Lele: Yeah. Anyway, Ikinagagalak kong marinig ang lahat ng iyon at sana ay magkaroon muli tayo ng pagkakataon para pag-usapan ang mga ganitong paksa sa hinaharap.
Rhio: Sang-ayon ako diyan!
Lele: Mga giliw na tagasubaybay, ito po ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina." Sa susunod na linggo, babalik muli si Rhio para samahan tayo sa ating mga talakayan at pagbibigay kaalaman.
Rhio: Okay. Aabanagan ko iyan. Hanggang sa muli mga kaibigan. Ito po si Rhio, nag-iiwan sa inyo ng isang magandang gabi!
Lele: Ito naman si Lele. Magandang gabi. Hanggang sa muli!
/end//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |